Janice tiyak na malungkot... Song Joong-ki nag-trending kasama ang British girl?!
Wow in a relationship na pala ang Korean actor na si Song Joong-ki na favorite ng maraming Pinoy fans.
Ayon sa kumalat na online reports, isang non-showbiz ang nasabing girl.
At tiyak ang isang masayang / malungkot, si Janice de Belen.
Adik na adik si Janice kay Song Joong-ki.
Si Song ang pinaka-favorite niya ngayon. Nasa wall paper pa ng cell phone niya si So Joong-ki. “Sorry break na kami Lee Min-ho, kay So Joong-ki na ako. Mas gusto ko siya. K drama na ang lovelife ko. Kasi lulong ako sa K drama,” kuwento niya nang huli namin siyang nainterview.
Sa Descendants of the Sun ni Janice unang napanood si So Joong-ki at since then hooked na siya. “Ayoko sana siyang panoorin noon (Descendants…) dahil may mga soldier-soldier. Pero that time my mom just died so medyo sad ako, nakita ko so napanood ko, since then minahal ko na siya,” naalalala pa ni Janice.
Kaya naman wala na raw talaga sa isip niya ang mag-asawa.
Mas priority na niya ngayon ang mga Korean actor. At ito na raw ‘asawa’ niya.
“Parang wala na akong kailangang i-prove. Nagpakasal na ako, failed relationship. Nahiwalay ulit ako. Nagka-relationship ulit ako,” sagot niya sa tanong kung naiisip pa ba niyang mag-asawa.
Anyway, nakikiusap ang management ni Song na iwasan ang fake news tungkol sa bagong dini-date ng Korean actor. “We would be grateful if you refrained from publishing any speculative or unconfirmed reports,” ayon sa mga report na lumabas kahapon.
Pero ang isang kuwento, British woman ang dini-date ni Song na ex wife si Song Hye-kyo.
Trending kahapon ang Joongki kung saan magkasama sa isang kumalat na video si Joongki at ang nasabing girl although pareho naman silang naka-mask.
Isang pelikula sa MMFF, nanganganib nang mawala sa mga sinehan?!
Pila-pila sa mga sinehan kahapon.
In all fairness, maraming lumabas para gastusin ang kanilang mga napaskuhan.
Pero hindi pa rin ganun kalaki ang kita. May pelikulang P320,000 lang ang total amount ng kita sa first day. Kaya worried ang iba na baka matsugi na ang pelikulang ito sa mga sinehan.
Ang sinasabing nag-top sa first day ay 31 million daw sa first day. Ito ‘yung movie ni Vice Ganda and Ivana Alawi.
Sana nga ay maging consistent ang manonood at magtuluy-tuloy ang pila hanggang matapos ang 10-day festival sa mga sinehan.
- Latest