Iza, may mensahe sa anak!

Iza Calzado

Ika-pitong buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Iza Calzado. Aminado ang aktres na nakararamdam ng takot para sa napakalaking responsibilidad bilang isang ina. “What a huge responsibility and I’ve always scared of it. Natatakot ako roon sa responsibilidad. Pero feeling ko kailangan talaga maniwala ka sa sarili mo na kaya mo. Kasi ie-equip ka naman ni God. Ikaw at ‘yung nasa paligid mo. So ‘yon na lang talaga ang pinanghawakan ko,” makahulugang pahayag ni Iza.

Mahigit apat na taon nang kasal sina Iza at Ben Wintle. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa edad na 40 taong gulang ay hindi naging maselan ang kanyang pagbubuntis. “Thankfully wala masyadong physical adjustment. ‘Yung energy ko is almost the same. I managed to workout every week, every month. Pero kapag napapagod ako ngayon sasabihin ko, teka, walang masamang magpahinga. ‘Yon ang adjustments at saka hindi na rin bago na nai-share ko na ‘yung weight ko was parang my battle. Pero ito sabi ko nga weight gain is a sign of healthy baby. I always remind myself so parang kasama siya roon at ini-embrace ko rin ‘yung changes. ‘Yung belly lumalaki, kailan pa nga ba? Ang katawan mababawi mo, hindi ‘yan ang dapat mag-define sa atin bilang tao,” pagbabahagi niya.

Mula nang makumpiramang buntis ay malaki na raw ang ipinagbago ng buhay ni Iza. Mayroong mensahe ang aktres para sa paparating nilang supling ni Ben. “The biggest blessing is the baby. You are changing my life already for the better in ways na hindi ko talaga inasahan. So thank you kasi kasama no’n mas minamahal ko ang sarili ko ngayon. Kasi kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil kailangan maging at my best ‘pag dumating ka, thank you anak,” emosyonal na pagtatapos ng aktres.

Lito, masang-masa at hindi pangmayaman

Mapapanood na sa 2023 ang teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo na pagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe. Masayang-masaya ang aktor dahil makakatrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang anak ni Fernando Poe, Jr. “Ang sabi ko noon sa sarili ko na sana balang araw pangarap ko ay makatrabaho siya. Napaka-perfect timing dahil pelikula ito ng kanyang ama (noong 1986),” nakangi­ting pahayag ni Lovi.

Makakasama rin sa bagong serye si Lito Lapid. Ibibigay umano ng senator-actor ang lahat ng kanyang makakaya upang mas mapaganda ang takbo ng kwento ng kanilang proyekto. “Itong Batang Quiapo, masang-masa ito sa kwento pa lang. Kung ano ang ginawa ko sa Ang Probinsyano ay gano’n din ang gagawin ko rito. Kung ano ang maisa-suggest ko, kung ano ang gusto mong gawin ko,” paglalahad ni Lito.

Matatandaang tumatak sa mga manonood ang karakter ni Lito sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Pinuno na siyang lider ng Pulang Araw.

Ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang din ang kanyang gagawin sa bagong proyekto ng Dreamscape Entertainment at CCM Film Productions. “Sa character ko eh ‘yon talaga ang karakter ko dahil tayo talaga ay masa. Hindi naman tayo pangmayaman eh. Maraming-maraming salamat sa mga kasamahan ko rito na mga artista. Sana ay magampanan ko ang ibibigay na role ni Coco sa akin,” dagdag ng actor-senator. (Reports from JCC)

Show comments