^

PSN Showbiz

Kumpanya nina Malou at Charo, hahawakan ang ibang taga-GMA?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mas lumawak ang pagsasanib ng GMA 7 at ABS-CBN 2 dahil may bago na namang pinag-uusapan ang bosses ng dalawang TV network.

Lumabas sa social media ang meeting ng Senior Vice President ng GMA 7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes kasama si First VP: Program Management na si Mr. Joey Abacan kina Ma’am Charo Santos at Malou Santos, ang Chief Operating Officer ng Star Creatives.

Marami ang naintriga kung ano ang pinag-usapan ng bigating network executives.

Akala namin pinag-uusapan na ang gagawing teleserye na collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN, ang Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Hindi pala.

Sabi ni Ma’am Annette, iba raw ang pinag-usapan nila.

May kinalaman daw pala ito sa Digiworx ni Ma’am Malou Santos na kung saan ay kinukuha sila para tumulong sa social media content ng Sparkle artists.

“We hired them to help some Sparkle artists with their socmed content,” bahagi ng text niya sa akin.

Ang isa pang pinag-uusapan nila ay ang pelikulang pagsasamahan nina Charo at Dingdong Dantes.

Nasa ilalim ito ng produksyon ng Cornerstone at Studios at AgostoDos ni Dingdong, pero sabi ni Sir Joey, ini-explore pa raw nila ang posibilidad na makipag-partner o baka bilhin daw nila ang TV rights nito. Ipa-finalize pa naman daw nila ito lahat.

Pagdating sa Unbreak My Heart nina Jodi at Richard, wala pa raw silang maibigay na additional information. “Finalizing contract pa,” text uli sa akin ni Ma’am Annette.

Marami pa raw naka-line up na magagandang projects ang GMA 7, na maaring collaboration sa ilang produksyon.

Nandiyan pa rin ang Saan Nagtatago ang Pag-ibig ng Viva at GMA 7.

Sabi ni Sir Joey, sa tingin daw niya ay matutuloy naman ‘yun.

May iba pang pinag-uusapan, at ang isa nga rito ay ang gagawin ni Sen. Bong Revilla sa kanila.

Baka partnership daw ito ng Imus Productions ng pamilya Revilla at ng GMA 7.

Marami pa tayong aabangang exciting na projects sa 2023!

Family Matters, malakas

Nagsimula na kaming mag-ikot kahapon sa mga sinehan para ma-check kung ano ang mas malakas na pelikula sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival.

Pero nung Sabado pa lang ay nagpa-reserve na kami via online ng tickets para sa pelikulang Family Matters.

Nagulat kami! Halos napupuno na ang tatlong screening ng naturang pelikula sa Power Plant.

Ipinasa sa akin ni Mayor Enrico Roque ang status sa Waltermart sa Sta. Maria, Bulacan at sa SM Marilao, halos lahat na screening ay all seats taken na raw.

Nagbabadyang magna-number one ito sa box office.

Pero hindi pa natin alam kung alin ang pinakamalakas, pero magandang senyales ito bumabalik na nga sa mga sinehan ang mga tao.

Sana ma-maintain ang malakas na resulta sa takilya ng ngayong taong MMFF.

Sabi naman ng Chairman ng MMDA na si Atty. Romando Artes, masaya na raw sila kung umabot sila ng P500M sa takilya sa loob ng dalawang linggong filmfest.

Mataas ang expectation namin dito sa Family Matters ng Cineko Productions dahil ang trailer nito ang may pinakamataas na viewership.

Kaya nung nakaraang presscon ay tinanong namin si direk Nuel Naval kung mas challenging ba sa kanya ito ngayon, pagkatapos mag-number one sa takilya ang Miracle in Cell No. 7 niya noon.

Posible kayang maulit uli ito ngayong taon?

“Sa akin ang pressure, because we’re coming from pandemic. So, ngayon pa lang magbabalik ang mga tao sa sinehan. So, mas doon ko siya tinitingnan.

“In terms sa competition sa akin, siguro I would define it kung magiging successful ang film namin is to be able to reach out to the au­dience, ‘yung masasabi naming mensahe ng pelikula,” saad ni direk Nuel Crisostomo Naval.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with