Mga sakit, iniiba ang takbo ng buhay

Lolit at Doctor
STAR/ File

Hindi ko talaga akalaing sasama ang pakiramdam ko. Kasi nga ang Pasko ang pinaka-happy day ko. Na-realize ko nga na talagang nagkasakit ako nang ma-discover ko na hindi pala ako nakapaghanda ng gifts this year. Dahil nag-umpisa ‘yung sama ng katawan ko last July, umandar ang mga araw at biglang December na.

Isang bagay pa naman na enjoy na enjoy ako ay ‘yung paghahanda ng gifts, kaya nga usually, September pa lang nagdi-distribute na ako ng regalo. Pero naiba iyan this year kasi nga nagkasakit ako na ikinagulat ko dahil never talaga akong nagkakaroon ng anumang karamdaman except this year. Naiba lahat ang na­ging takbo ng buhay ko, mga schedule at priorities ko. One big turnover ang naganap.

Hay naku, talagang sa buhay pala humanda ka sa mga biglaang pagbabago. Naku at least grateful ako na 2023 na nandito pa rin tayo, sama-sama maligaya, maliban sa mga bruha na inggitera at walang gustong gawin kundi sirain ang maganda nating mood everyday.

Panonood ng sine, ‘di na priority

Naging maganda ba ang resulta ng festival showing. Ang sabi para raw matamlay pa rin, siguro nga dahil sa takot pa rin ang tao sa COVID at baka talagang hirap sa pera ang marami.

Tapos ‘yung mga bata na dati mahilig manood ng sine biglang mas gusto na ang computer games.

Marami na kasing ibang bagay na gustong gawin ang tao, kaya siguro hindi naging priority ang panonood ng sine. Sayang dahil maganda lahat ng kasali sa festival. Quality ang pagkakagawa at mahusay ang stars. Kundi man, puwede pa ring pumick up tagalan lang ang showing sa mga sinehan. Puwede kasi na busy sa mga ginagawa ang mga tao ngayon, pero later on maisip nila na manood.

Good thing naman na maganda ang mga entry kaya masarap panoorin. Suportahan natin ang mga pelikula, bigyan natin ng lakas ng loob ang producers. At huwag nating hayaang masayang ang talents ng artista.

Show comments