Naku, ewan ko ba kung bakit bigla sumama katawan ko, Salve. Siguro na-stress ako masyado sa Palawan Padala nang magpunta ako para kunin ang regalo ni Helen Gamboa Sotto.
Dahil nasa labas na ako kahapon at nasa malapit lang sa gate ng Fairview ang Palawan Padala, ako na ang nagpunta para sa ipinadalang gift ni Helen. Talagang over ang arte ng Palawan sa kanilang security check ha, at antipatika ‘yung clerk na natapat sa akin na kulang na lang hingan ako ng NBI o PNP clearance. Ang arte pa ng mga tanong na mga nonsense kaya pala isa lang siyang clerk nila. Pa-cute at pa-acting na very competent pero alam mo na show-off lang.
Naku, kamuntik na akong sumuko talaga dahil nahilo ako sa tagal. Hay, at least pinaghirapan ko ang binigay na regalo ni Helen na talagang every year hindi nakakalimot. So sweet of her and Senator Tito Sotto.
Naku, sana maging maayos na ang pakiramdam ko para sa pagsimba ko ngayon. Naku, talagang hindi ko mapo-forget ang Palawan Padala. Kaloka sila ha, nagkasakit ako sa tagal ng transaksyon nila, next time Cebuana Lhuillier na lang ako. Baka mas mabilis at smart ang clerk, mas bongga.
Herlene, naalala ang pagiging ekstra
Ang bongga ni Herlene Budol. ‘Di man naging madali ang pagpasok niya sa pag-aartista noon ay bida na siya ngayon sa isang serye sa GMA na Magandang Dilag.
Hindi pa rin makapaniwala ang actress/vlogger na magbibida na siya sa sarili niyang serye. ‘Di rin daw niya inasahang yayabong ang kanyang career dahil inamin niyang nahirapan siyang pasukin ang showbiz.
Bago pa man siya maging Wowowin contestant noon, naging ekstra pala siya sa mga palabas.
Hanggang ngayon naaalala pa niya kung gaano siya ka-excited mapanood ang sarili bilang ekstra pero ‘pag pinalabas na ay blurred pala ang kanyang mukha. Kaya naman sobra ang tuwa niya ngayon sa una niyang serye. Bongga.