Personal na tatangapin ni Vilma Santos sa Gabi ng Parangal ng 2022 Metro Manila Film Festival next week ang Marichu Maceda Memorial Award. Deserve ni Vilma ang award lalo na’t matalik siyangkaibigan ni Manay Ichu at malaki ang naging tulong noong panahon nagkaroon siya ng malaking problema sa kanyang finances.
By 2003, magiging aktibo muli sa showbiz si Ate Vi dahil plain citizen na siya. Pelikula ang gagawin niya at meron siyang isang special na handog sa kanyang fans at Vilmanians sa selebrasyon ng kanyang 60 years in showbiz!
Nadine, may pag-asa sa best actress
Palaban din sa best actress award sa MMFF si Nadine Lustre dahil sa kanyang performance sa entry niyang Deleter.
Sa kabuuan ng movie eh feel na feel kay Nadine ang iba’t ibang emosyon mula sa pagiging tahimik sa simula hanggang sa pagiging palaban sa bandang huli!
Samantala, ibang putahe ng katatakutan ang ginawa ng director na si Mikhail Red. Hindi ito ‘yung pangkaraniwang horror movie pero nagsisigawan sa mga nakakatakot na eksena ang nanood sa premiere mg movie.
Narinig nga namin ang ilan na nagsabing, “Hindi ako makahinga dahil sa takot!”
Of course, may laban din ang Deleter sa pagiging top grosser sa festival!
Tangkilikin ang lahat ng walong entries sa 2022 MMFF at maligayang Pasko sa lahat ng readers ng PSN at Pang Masa! Have a blessed and meaningful Christmas!