MANILA, Philippines — Kahit 13 taon nang patay, nakasama pa rin ang "King of Philippine Rap" na si Francis "Kiko" Magalona sa 2022 reunion concert ng Eraserheads para sa awiting "Super Proxy" — pero sa pamamagitan lang ng hologram.
Huwebes ng gabi kasi nang magbalik ang Eraserheads, ang isa sa pinakasikat na Pinoy rock band noong '90s, sa entablado na siyang inabangan ng maraming fans.
Related Stories
"Sending my love and gratitude to the legendary #Eheads @elybumbilya, @marcusadoros, @buddyzabala and @raymsmercygun for honoring the late FrancisM through this super cool hologram at their reunion concert," wika ng aktres na si Maxene Magallona, anak ng Pinoy rap legend, Biyernes.
"It was nice to see you for a while, Pop! Thank you so much for gracing us with your presence."