^

PSN Showbiz

'Nice to see you!': Maxene Magalona aliw sa Francis M. performance sa Eraserheads reunion

Philstar.com
'Nice to see you!': Maxene Magalona aliw sa Francis M. performance sa Eraserheads reunion
Dumalo rin sa reunion concert ang mga anak ni Francis Magalona na sina Arkin at Elmo.
Mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

MANILA, Philippines — Kahit 13 taon nang patay, nakasama pa rin ang "King of Philippine Rap" na si Francis "Kiko" Magalona sa 2022 reunion concert ng Eraserheads para sa awiting "Super Proxy" — pero sa pamamagitan lang ng hologram.

Huwebes ng gabi kasi nang magbalik ang Eraserheads, ang isa sa pinakasikat na Pinoy rock band noong '90s, sa entablado na siyang inabangan ng maraming fans.

"Sending my love and gratitude to the legendary #Eheads @elybumbilya, @marcusadoros, @buddyzabala and @raymsmercygun for honoring the late FrancisM through this super cool hologram at their reunion concert," wika ng aktres na si Maxene Magallona, anak ng Pinoy rap legend, Biyernes.

"It was nice to see you for a while, Pop! Thank you so much for gracing us with your presence."

Taong 2005 nang i-perform ng "Master Rapper" kasama ng bandang Hardware Syndrome at ni Ely Buendia (bokalista ng Eraserheads) ang "Superproxy 2K6" para sa tribute cover album na "Ultraelectromagneticjam!: The Music of the Eraserheads."

Sa kasamaang palad, pumanaw si Kiko noong 2009 dahil sa mga komplikasyon dulot ng sakit na leukemia.

 

 

Pero hindi lang ang "Man From Manila" ang Magallona na naki-jam on stage kagabi — pati na ang mga anak nitong sina Elmo at Arkin Magalona.

"My heart was beaming with pride watching and seeing the baby bruvs @elmomagalona + @barqboy shine their light on stage at the Eraserheads concert last night. I am so damn proud of you both! Papa obviously lives in your souls," dagdag pa ni Maxene.

Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang naturang reunion concert matapos magsalita ang anak at dating partner ni Marcus Adoro (gitarista ng Eraserheads) dahil sa isyu umano ng "pagmamaltrato." Dahil dito, napilitang magsalita sina Ely, Raimund Marasigan (drummer) at Buddy Zabala (bassist). — James Relativo

ARKIN MAGALONA

ELMO MAGALONA

ERASERHEADS

FRANCIS MAGALONA

MAXENE MAGALONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with