Mahigpit na yakap ang isinukli ni Arlean Lourdes Sanqui Cuison ng Caloocan City nang personal niyang tanggapin ang kulay orange na brand new car mula kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr.
Si Cuison ang ikatlo na sa nabiyayaan ng bagong kotse ni Sen. Bong sa kanyang Amazing Pamasko Ni Pogi na live na napanood sa kaniyang Facebook account na mayroon 2.9 million followers.
Bukod sa dalawang kotse na unang ipinamahagi niya ay mayroon na namang karagdagang dalawa pa, limang motorsiklo at daan-daang libong cash ang naipamigay at may isa pang napakasuwerte mula sa sa Tabayon, Banga, Aklan ang nagwagi naman ng P1M (isang milyong piso).
Nakatakdang lumipad si Sen. Revilla patungong Aklan para personal daw na iabot ang isang milyong pisong ng masuwerteng nanalo.
Bongga si Sen. Bong noh.
Talagang kinarir ang pamimigay ng papremyo sa followers niya sa social media.
Parang siya na ang pumalit sa dating ‘trono’ ni Willie Revillame sa pamimigay ng maraming papremyo.
Tuloy naman actually ang programa ni Revillame sa AllTV pero walang balitang namimigay rin siya ng kotse.