KD, mabait sa fans

KD

Naku, Ateng Salve, kahit naintrigang isnabero si KD Estrada, pati ang ka-love team niya na si Alexa Ilacad, iba naman ang expe­rience ko sa Kapamilya actor-singer nang magkita kami sa opening night ng Super American Circus sa Newport Performing Arts Theater noong Wednesday.

In fairness to him, kaagad siyang nag-pose nang sabihan namin siya na kukunan namin siya ng picture. He was very nice rin nang sabihin namin sa kanya na isa kami sa mga nag-interbyu sa kanila ni Alexa para sa isang ABS-CBN show nila.

“Opo, I remember you po,” sey ni KD.

Very pleasant nga si KD na kausap.

Anyway, mukhang nag-enjoy si KD sa panonood ng Super American Circus.

Sayang nga lang at hindi niya kasama si Alexa.

Very sweet din si KD sa fans na nagpa-picture kasama siya. Kahit paalis na siya, naglaan pa rin siya ng oras para mapagbigyan ang mga ‘yon.

Bongga!

Tony, ‘di nakakakilala?!

Nanood din ng ope­ning night ng Super American Circus si Tony Labrusca.

In fairness, sikat pa rin siya dahil maraming nagkagulo’t nagpa-picture sa kanya.

Nice naman siya sa fans, pero siyempre, kahit ilang beses ko na siyang nainterbyu ay parang hindi naman niya ako nakilala kahit nasa harapan ko na siya.

Pero okey lang naman ‘yon, Ateng Salve, at least, nice naman siya sa fans.

Anyway, marami ang nagandahan sa Super American Circus at talaga namang halos puno ang Newport Performing Arts Theater kaya naman kinongratulate ko ang mga producer na sina Mr. Edwin Chong at Johanan Soyangco.

‘Yun na!

Nathalie at non-showbiz Fiance, sa australia ikakasal

Ang sweet ng fiancé ni Nathalie Hart na si Brad Robert.

Um-attend si Nathalie at si Brad sa Super American Circus.

Kasama nila ang anak ni Nathalie na si Penelope. Mukhang inaantok ang bata, kaya karga-karga ito ni Brad.

Mukhang sobrang close ng anak ni Nathalie sa kanyang fiancé.

Nakatutuwang makita ang closeness ni Penelope sa kanyang future stepfather.

At least, parang anak na rin ang turing ni Brad kay Penelope.

Anyway, ka-chat ko kahapon si Nathalie at tinanong ko kung kailan ba talaga ang kasal nila ni Brad?

“Inaayos pa po, Tito Jun. Pero baka April or May. Sa Australia po ang wedding namin,” chika ni Nathalie na sobra pa rin ang kaseksihan kahit may isang anak na.

Actually, Ateng Salve, ilang mga kaibigan ni Nathalie ang masaya para sa kanya dahil sobrang bait daw talaga ang kanyang non-showbiz fiancé.

How nice!

Show comments