Ysabel, gusto na ulit maging doktor
Naiinis man ako wala na talaga akong magagawa dahil kahit Dec. 23 na meron pa rin akong dialysis session at makikita ko na naman ang ‘classmates’ ko na ang sasaya at parang enjoy sa gamutan.
Naku ganu’n yata talaga ang dapat maging attitude, ‘yung acceptance sa bagay na nandiyan na. ‘Yung tanggapin mo na lang dahil ito ang ibinigay sa iyo.
Natutuwa nga ako kay Ysabel Ortega na parang nagtataka kung bakit iritable ako eh nakahiga lang naman ako habang nagda-dialysis. Para bang nagtataka si Ysabel kung paano ka gagaling sa pamamagitan ng dialysis.
Mukha ngang gusto na naman niyang balikan ang pag-aaral para maging isa siyang doktor, hah hah. Dahil siguro na-curious siya sa nakita niyang ang daming nagpapa-dialysis kaya umagaw ito ng pansin niya.
Ang ganda ng mukha ni Ysabel habang tinitingnan mo siya ng matagal. Kaya nga naisip ko, sure akong maraming roles ang puwedeng ibigay sa kanya dahil very versatile at ma-drama ang mukha ni Ysabel.
Sana nga makita ko pa ang pagiging big star niya, dahil nakita ko siya mula bata, at malaking karangalan para sa akin na makita ang paglaki niya.
MMFF, pinagdarasal ang resulta
Sana naman kumita ang lahat ng kasali sa festival. Maganda raw ang mga pelikula, at kahit nga mga senior star ang bida ng Family Matters talaga raw iiyak ka sa message ng movie.
Ok din ang Nanahimik ang Gabi dahil kakaiba ang pagkakaatake dito ng director. Masaya naman siguro ang comedy movie ni Vice Ganda at sure na mag-e-enjoy ang fans ni Coco Martin sa entry niya.
Let us pray na maging maganda ang resulta, para kahit papaano maging buhay uli ang showbiz.
- Latest