Nung bata ako, lagi kaming may bonggang Christmas Tree ‘pag Pasko. Kinakarir kasi ito ng Mommy ko. (‘yung kulang nalang daigin ‘yung nasa Araneta Cen-ter!). Nung magsolo na ‘ko, dalawang Christmas Tree pa ang itinatayo ko. (as in oa lang talaga ako!) Pero years ago, itinigil ko na ito. Wala nang Christmas Tree ‘pag Pasko. Wala na ring mga Christmas décor. Wala lang. Personal decision. (o baka kasi tinatamad lang ako magligpit ‘pag tapos na ang Pasko!) Nag-iba lang ang ihip ng hangin ngayong taon. Napagtripan kong makisali sa pagkakabit ng Christmas tree sa bahay ng “special partner in the universe” na si Bryan Talatala last week. Dito kasi magpapasko ang mga Italyanong pamangkin naming na sina Lily at Marcus, kaya naisipan kong maging bahagi ng tradisyon na paged-decorate sa harap ng mga bagets. Naniniwala kasi ako na ang Pasko ay para talaga sa mga bata. Kaya dapat nating gawing masaya ang okasyong ito para sa kanila. (o ‘di ba child friendly ako!)
May mga bahay na bihira magpalit ng dekorasyon ng Christmas tree. Pareho ang kulay at disensyo taun-taon o kaya naman maraming taon, bago magpalit. Maaaring kulang sa creativity o kaya naman kulang sa budget, nagiging praktikal lang. Hindi naman masama ‘yun.(kesa maganda nga ang tree, wala namang food sa Noche Buena!) Pero may mga ibang tahanan na every year, iba ang konsepto, tulad ni Bryan na may isang kulay s’yang pini-pili para maging sentro ng kulay ng Christmas tree. Nung ipinanganak si Lily, pink. Nung si Marcus naman, blue. At nung may sanggol na kinuha agad ng heaven, na si Luna, gold naman. Pero ngayong taon, may special request ang nanay n’yang si Cresing. (Donya tawag ko d’yan!) Gusto naman daw n’ya makulay para sa taong ito. Kaya naisipan ni Bryan, ilagay ang tatlong kulay ng mga bagets. Naging colorful na, nakatipid pa kasi ‘di na bumili ng bagong pang-design. (wais! si Lumen ang peg!)
Naalala ko ‘yung isang feature sa bahay ni Kris Aquino several years ago, may Christmas Tree para sa bawat miyembro ng pamilya n’ya. (as in tig-iisa sila, ang anak n’ya!) May iba naman, naglalagay ng litrato ng mga kaaanak sa tree o paboritong bagay ng bawat isa. (kung mahilig s’ya sa baril, may baril sa puno! Chos!) ‘Yung ilan, ume-effort na magbigay ng tema, depende kung ano ang trending sa taon o kung anong feel nilang konsepto ayon sa mga nagaganap sa pali-gid. (kung uso ang ghosting for the year, eh di tadtadrin ng ghosts ang puno! Ano ba ‘yun?!)
‘Yang Christmas Tree at paged-decorate ‘pag Pasko ay bahagi lamang ng tradisyon na nagbibigay kulay at saya sa pagdiriwang. Pero alam naman natin ang dahilan kung bakit may Pasko. (kung ‘di n’yo alam, paki-google n alang ha!) At h’wag kakalimutan ‘yung mga bagets ha. Maliban sa bawat isa sa atin siyempre, sila talaga dapat ‘yung nag-eenjoy sa kapaskuhan. Hayaan nating namnamin nila ‘yung saya ng diwa ng Pasko. Para paglaki nila ganun din ang gagawin nila sa mga bata. (ipasa ang good energy at good vibes ng Christmas sa buong universe!)