'Break na? Hindi ah': Cherry Pie, Edu Manzano sweet na sweet online
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng aktres at aktor na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano na sila'y hiwalay na, ito matapos ilang buwan mawala sa mata ng madla magkasama.
Ilang buwan na kasing kumakalat ang mga tsismis online na hiwalay na raw ang 52-anyos at 67-anyos na showbiz couple, isang relasyong noong 2021 lang pormal na kinumpirma sa publiko.
"[These flowers are] beautiful. Thank you as always good looking... @realedumanzano," wika ni Cherry Pie sa kanyang Instagram story, Martes.
Linggo lang nang mag-post pa si Edu tungkol sa paglabas nila ni Cherry Pie noong Sabado ng gabi kasama sina Cavite Gov. Jonvic Remula.
"Had a fun Saturday night w/ good food and music at the newly-opened @Pat&Pat QC," banggit ng beteranong aktor.
"Maraming salamat Gov. [Jonvic] Remulla, Mr & Mrs Pato and Marichelle Gregorio and the gorgeous Ms. @yescppicache Pie Picache. Perfectly chill evening."
Ika-14 lang din ng Disyembre nang mag-post si Cherry Pie ng video kung saan magkayakap pa sila ng kanyang nobyo.
Nobyembre 2021 nang pakiligin ng dalawang artista ang marami dahil sa posible nilang pagkakamabutihan. Magkasama pa nilang ikinampanya si dating Bise Presidente Leni Robredo noong siya'y tumakbo sa pagkapangulo.
'Di kalaunan ay kinumpirma ng aktor na si Luis Manzano ang relasyon ng kanyang ama sa aktres, bagay na hindi raw inasahan nang lahat.
Suportado naman ni Vilma Santos, ina ni Luis, ang relasyon ng kanyang ex sa kaibigang si Cherry Pie. — James Relativo
- Latest