^

PSN Showbiz

Vice pressured, Ivana ini-enjoy lang ang MMFF entry

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice pressured, Ivana ini-enjoy lang ang MMFF entry
Ivana Alawi

Boy AbundaNakararamdaman ng pressure si Vice Ganda ngayong muling magbibida sa isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022. Kasama ng komedyante si Ivana Alawi sa MMFF entry na Partners In Crime.

Nabansagang Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar si Vice dahil tumabo nang husto sa takilya ang mga pelikulang nagawa noon para sa MMFF. “’Yung pressure talaga is paano namin matatapos ‘yung pelikula. Siyempre may pressure kung paano tatanggapin ng crowd, audience. Mahirap gumawa ng pelikula ngayon dahil nasa pandemya pa rin tayo, ang daming pamantayan. Kung dati mahirap na, mas mahirap ngayon,” paliwanag ni Vice.

Sinisiguro ng It’s Showtime host na makare-relate sa bagong pelikula ang lahat ng manonood nito. “It’s very easy to relate and identify with our characters and with the story itself. Kasi ‘pag napanood n’yo na, this is everyone’s story. This is your story, pamilya ito ng napakaraming Pilipino na nagkukumahog, nagpapakamatay, nagsasakripisyo sa pagtatrabaho para sa tao na mahal na mahal niya,” giit ng komedyante.

Samantala, si Ivana naman daw ay hindi nakaramdam ng kahit kaunting pressure. Sa halip ay ginawa na lamang daw ng sexy actress ang lahat nang makakaya upang mapaganda ang pelikula nila ni Vice. “Ini-enjoy ko lang actually. I know the movie is super nice. Hindi ako nag-aalala sa movie. Ini-enjoy ko ‘yung process, lahat. Hindi ko masyado pini-pressure sarili ko kasi kapag pi-pressure mo sarili mo doon na magkakayari,” nakanigiting paliwanag ni Ivana.

Barbie, trinaydor ng kaibigan!

Malapit nang magtapos ang 2022. Para kay Barbie Imperial ay talagang naging makulay ang kanyang buong taon.

Matatandaang nagkahiwalay sina Barbie at Diego Loyzaga pagpasok ng taon. “I don’t say na bad year siya. Though a lot has happened in 2022, grabe! First quarter pa lang ng 2022 laman na ako ng mga balita. Pero I think 2022 ‘yung year na ang dami ko talagang natutunan. And it changed me a lot. Like hindi ako gano’n ka-mature before, pero because of what happened this year mas mature ako. Mas kilala ko na rin ‘yung sarili ko. Mas wise ako sa decisions. Mas love ko ‘yung sarili ko. Before, I will always say na I love myself, ganito, ganyan, pero hindi pala. Kulang pala ‘yung sasabihin mo na mahal mo ‘yung sarili mo do’n sa ramdam mo talaga na mahal mo ‘yung sarili mo,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Ayon sa aktres ay kailangan ding mag-ingat pagda­ting sa pagmamahal at pagtitiwala sa isang tao. “Kasi before parang ‘pag may affection from anyone like not just a guy and even friends parang okay na sa akin ‘yon. Pero now, I’m very careful kasi even closest friend kaya kang traydurin kumbaga. Ang hirap mag-trust ngayon, grabe. Kahit closest friend mo parang tutuklawin ka na lang bigla. So mas naging maingat ako sa mga tao na I surround myself with,” paglalahad ng dalaga.

Naranasan na rin umano ni Barbie na matraydor noon. “Yes, na-betray. I think for me mas painful ‘yung betrayal from your friend or ‘yung close friend kaysa sa boyfriend. Kasi parang if kaibigan mo binetray ka parang ipinagkatiwala mo sa kanya kung ano man ‘yon tapos may gagawin siya para i-betray ka mas masakit and more painful ‘yon for me. Pero gano’n talaga ang life kaya move on na lang,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

 

 

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with