Ang dami palang Pinoy na nag-TNT sa South Korea kaya naging super higpit ang Korean embassy sa pagbibigay ng visa sa mga Pinoy na gustong bumiyahe sa naturang bansa.
Yup, ang sabi, umabot daw sa more than 100,000 kaya talagang sinasala ng Korean embassy ang mga gustong mag-travel sa bayan ng mga oppa.
Mas dumami nga ang requirement ngayon sa pagkuha ng visa sa South Korea.
Bukod pa sa talagang mas marami ngayong naadik sa Koreanovela at gustong manood ng concert ng BTS, marami rin ang gustong makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa mga napapanood nila sa social media na mga sinusuwerteng Pinoy sa abroad.
Kaya kokonti ang nakaka-travel na Pinoy sa South Korea ngayon na pati ang ibang mga pulitiko na manonood sana ng exhibition game ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao last week doon laban sa MMA expert na si DK Yoo na pinatumba niya ay hindi nakaalis dahil walang visa.