Meryll, nagre-research tungkol sa postpartum!
Nasa pangangalaga na ngayon ng Crown Artist Management si Meryll Soriano. Si Maja Salvador ang nagmamay-ari ng naturang talent management company. Kamakailan ay nagdiwang si Meryll ng kanyang ika-40 taong kaarawan. Ayon sa aktres ay isang malaking desisyon ang pagbabago niya ng management. “I think it’s just a new chapter. Lagi nilang sinasabi, life begins at 40. And when you’re 20, you don’t understand that. When you’re 30, you don’t understand that. But I want to understand that this time. So dahil 40 na ako, excited ako. Excited ako kasi, you know, I dedicated my last three years on being a mother. And parang I’m also thirsty and I want something for myself. I think this is the perfect way to explore again with CAM sa creativity ko, sa passion ko,” makahulugang pahayag ni Meryll.
Bukod sa pagiging aktres sa harap ng kamera ay gusto namang subukan ni Meryll ngayon ang pagiging isang direktor. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay mayroon na umanong konseptong nakahanda si Meryll. “More than 10 years ago, I really am passionate about this story, about postpartum depression. And I really wanted to make a film about it. Kaya lang, I think, nobody really took me seriously back then. Kasi siyempre, ang laging chikahan lang nila, ‘Ay! Gusto kong gumawa ng pelikula, gusto kong magdirek.’ And you know, lumaki na ako sa industriyang ito, laman ako ng set. So I think people would always consider it as just one of those chikahan. I think I’ve questioned myself also if I really can. This year I finally found a writer perfect for the film, and the producers. Talagang sabi ko, ‘I think it’s really time.’ Sabi ko talaga, by 40, I have to make kahit isang pelikula. Just to try out kung para sa akin ba, kung hindi para sa akin. It’s something new that I’ve been wanting to do but hindi pa siguro talaga panahon. But now I’ve also decided na it’s time. So we’re doing research. Nakapag-start na ring magsulat nang konti,” pagbabahagi ng aktres.
Bukod sa tiyahing si Maricel Soriano ay nangangarap din si Meryll na makatrabaho si Vilma Santos sa pelikula. “The Diamond Star, because why not? I have shared scenes with her sa comedy, sa TV, minsan lang sa pelikula. Siyempre pangarap ko muna siyang makasama bilang artista. Pero pangarap ko din siyempreng madirek siya. And si Ate Vi, pangarap ko ding madirek si Ate Vi at makasama,” paglalahad niya.
Shaina, mas priority ang negosyo kesa karelasyon
Sa edad na 33 taong gulang ay wala pa ring kasintahan si Shaina Magdayao. Kahit matagal nang walang karelasyon ay hindi naman daw nagmamadali ang aktres na makahanap ng bagong nobyo. “I actually thought na paglabas ko ng Probinsyano, I would have a time. Sabi ko, ‘Medyo ready na ako.’ Kaso ito ‘yung nangyayari. Hindi naman siya naka-pause. It’s just that may mga kailangan lang akong gawin. We’ll get there,” nakangiting bungad ni Shaina.
Abala ngayon ang aktres sa Organized Chicas na kanyang negosyong mga bag, damit, at iba’t ibang fashion accessories. “When I was younger, I said ayokong magkaroon ng distraction. I guess, if it’s the right person, that person won’t be a distraction but an inspiration for you being a better person sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspects sa buhay,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest