Nakakaawa naman si Mommy Divine ni Sarah Geronimo kung totoo nga na balak ng mga nagtratrabaho sa kanya na magreklamo dahil sa unfair labor practice na ginagawa niya raw.
Hanggang ngayon ay hindi pa yata nagkakaayos sila Sarah at parents niya kaya mas added pain pa ito kung sakaling totoo dahil sa ganitong mga pangyayari. Maaari pa naman sigurong ayusin ito bago lumala ang issue.
Sana kausapin kaagad ni Mommy Divine ang mga empleyado niya para hindi lumaki ang issue. At sana nga maayos na rin ‘yung mga hindi nila pagkakaunawaan nina Sarah at Matteo Guidicelli para hindi na lumaki ang mga issue dahil mas maganda ang tahimik lalo pa nga ngayon na mag-asawa na at mukhang happy naman sina Sarah at Matteo.
Mas bagay na sama-sama sila ngayong Pasko, mas merry ang paligid, mas masaya, ‘di ba!
Cong. Toby, ‘di nakakalimot
Alam mo, Salve, isa yata si Cong. Toby Tiangco sa pinakabongga ang PR sa lahat ng pulitiko. Talagang never siya nakalimot sa showbiz writers at talagang kahit yata mawala pa siya sa pulitika isa siya sa pinaka-sincere na tao na nakilala natin.
Napakabait niya kahit saan at kahit kelan mo siya makita. Lagi siyang may open hand sa mga gustong humingi ng tulong. Lagi siyang nandiyan ‘pag kailangan. Napakasuwerte nga ng lugar kung saan siya namumuno, Navotas, dahil meron silang isang Toby Tiangco.
Merry Christmas, Papa Toby, stay cool and safe. Love ka nina Gorgy, Pat-P Daza at Salve, bongga.