Signal song ng Dream Maker, napuri sa ibang bansa

Umani ng papuri mula sa banyagang YouTube vloggers na sina Alex Oh, Wilson Chang, Jeevan, Volkan Da?c?, at iba pang content creators ang ipinerform na signal song ng Dream Chasers ng Dream Maker na Take My Hand na ngayon ay nakakuha na ng isang milyong online views.

Bilib na bilib nga ang kilalang YouTubers sa magandang camera angles at production quality ng music video pati na rin sa talento ng 62 na Dream Chasers ng kauna-unahang idol survival show sa bansa.

Ang Take My Hand ang naging unang challenge sa Dream Chasers para malaman ang kanilang abilidad sa pagkanta at pagsasayaw matapos ang unang evaluations.

Samantala, nagsimula na rin ang unang misyon ng Dream Chasers kung saan hinati sila sa sampung grupo at maglalaban-laban sa isang head-to-head challenge. Ang resulta ng kanilang unang misyon ang magiging batayan sa rankings at ang mga matatanggal sa kumpetisyon.

In all fairness, laging trending at maugong pinag-uusapan ang unang idol survival show ng bansa ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc mula noong ito ay inilunsad noong Nobyembre. Pinupuri ng netizens ang maganda nitong production, set, stage design at camera work pati na ang mga sikat na Korean at Pinoy mentors.

Show comments