Nanahimik..., maraming habulan!

Heaven
STAR/ File

Speaking of Nanahimik Ang Gabi, ang confrontation scene nina Ian Veneracion and Heaven Peralejo ang highlight ng nasabing pelikula ng Rein Entertainment nina Direk Lino Cayetano.

Ito ay ayon kay Direk Shugo Praico nang makausap namin sa sa isang ‘informal’ interview sa isang Christmas lunch.

“I think one of the highlights is the, I guess the confrontation between Ian and Heaven. ‘Yung performances po talaga, eh. Tingin ko ‘yun ‘yung highlight.”

Pero paano mawawala ‘yung impression na parang kabit story ‘yon?

“I think ‘yung relationship story is part of a whole. ‘Yung pinakabuong theme is the secrets of consequences. So lahat talaga, ‘yung mga consequences na minsan hindi mo makita, magugulat ka na lang isang gabi sa harapan mo. Parang ganyan. So hindi siguro matatanggal na parte ‘yun ‘yung ma­ging kabit serye. It’s more than that,” paliwanag ni Direk Shugo tungkol sa naging observation din ni Mon Confiado, isa sa mga bida ng pelikula with Ian and Heaven, na may mga nagre-react na sexy ito at may issue ng unfaithfulness.

Pwede bang mag-expect ng award sina Ian at Heaven dito? I mean, ganun mo ba silang napiga sa mga ginampanan nilang role?

“Ako sabi ko nga po I hope that the jury notice the performances kasi ako bilib talaga ako sa ginawa nila dito. Si Mon mara­mi nang roles na sorang bilib ako pero dito parang iba. Si Ian ganun din. Si Heaven ganun din. ‘Yung passion na binigay nila dito sa project na ‘to sobra. Very physical po kasi ‘yung script, eh. Maraming habulan, maraming posas and all. ‘Yon game na game sila. I hope more than anything, sana ma-appreciate ‘yung kanilang performances.”

Paano mo ie-encourage ‘yung viewers na bumalik sa sinehan this Christmas – this Metro Manila Film Festival?

“I think sa ‘kin mas masarap talagang panoorin ang mga pelikula sa loob ng sinehan kasi iba talaga. Kasi ako personally iba talaga ‘yung experience, patay ‘yung ilaw, walang distraction, sobrang laki ng screen sa gitna. May mga kasama kang ibang taong ‘di mo kakilala. Lahat kayo naa-appreciate ‘yung sine. Ibang-iba po talaga, eh. Minsan kasi ‘pag ipo-pause mo, titigil ka, napuputol ‘yung experience. ‘Pag sa loob ng sinehan, lalo na po sa Nanahimik ang Gabi sa isang ganitong klaseng movie that story happens sa isang gabi lang. Kakaibang element, kakaibang dagdag na experience po siya.”

Umaasa sila nila Direk Lino, isa sa mga producer, na hindi mapa-pirate agad ang pelikula.

Isa sa maaalalang kalaban ng mga pelikula noon, before pandemic, ang piracy sa MMFF.

Pero nang mag-pandemic, streaming platforms ang kumbaga ay masasabing nakalaban nila.

Anyway, si Direk Shugo rin director ng award winning series na Bagman na nagbigay ng Best Actor awards kay Arjo Atayde now congressman of District 1 of Quezon City.

Isang suspense-thriller ang Nananahimik ang Gabi (A Silent Night).

PG-13 sila (Only viewers who are 13 years old and above can be admitted) kaya maaari pa silang ipalabas sa SM cinemas.

Show comments