Kita ng isang tagalog film, mahigit P10,000 lang

More than P10,000 lang pala ng kinita ng ilang Tagalog film na pinalabas last Wednesday.

Ganun lang daw kaliit. More than 10 theaters na raw ‘yun na pinagpalabasan ng nasabing pelikula.

Ang bayad sa sinehan ngayon, almost P300.

So iilang tao lang ang nanood ng nasabing pelikula kung ganun.

Sunud-sunod ang semplang ng mga pelikulang Tagalog na ipinapalabas sa mga sinehan.

Pagkatapos ng Maid In Malacañang ay wala na ulit kumitang pelikula.

Pero magaganda ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival  (MMFF) base sa mga trailer nito lalo na ang Nanahimik Ang Gabi, Fami­ly Matters at My Teacher. Visible rin ang trailer ng My Father, Myself and Deleter.

Kaya wishing at hoping ang lahat na kikita ang walong kasali sa MMFF this year na halos normal na ulit ang paligid.

Cash kung magbayad… Aktres, milyones kung mag-shopping! Wow, bongga pala ang isang mahusay na aktres.

As in kung mag-shopping daw, cash basis.

Kahit milyun-milyon ito.

Grabe raw talaga ang yaman ni aktres ayon sa narinig kong kuwento.

At sosyal daw ang mga na-acquire nitong properties.

Well, walang masama dahil galing naman daw sa legal na paraan ang lahat.

Kakatuwa naman kung ganun dahil alam naman ng lahat ang pinanggalingan ni aktres na mabait at mahusay ang PR.

Show comments