^

PSN Showbiz

Laarni, nag-alok ng kidney transplant!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Laarni, nag-alok ng kidney transplant!
Lolit at mga kaibigan

Talagang amazing ang mga nagaganap sa buhay ko, Salve. Hindi ko ma-imagine na for the longest time na hindi ko nakikita o nakakausap si Laarni Enriquez bigla ay nagkaroon ako ng chance na makita siya at makachikahan nang matagal.

Thank you rin kay Jean Saburit at Bebu na talagang nagbigay ng oras sa akin. Ima­gine na ang purpose ni Laarni para sa aming meeting ay mag-offer ng kidney transplant para makatulong sa sakit ko. How sweet, ‘di ba? Kaya nga parang gusto kong maiyak dahil hindi ko akalain na ganun kabait ang nanay ni Jake Ejercito. Na all these years na hindi namin siya nakakausap at nakikita, may pagmamahal pala siya sa akin.

Talagang kahit may sakit ako, parang blessing ni God na ito ang nagpakita sa akin ng maraming tao na nagmamahal sa akin. My heart is full of gratitude, na kahit ang long lost friends biglang lumalabas para bigyan ako ng lakas ng loob.

Boy, mahal ng mga staff

Bongga si Boy Abunda. Kapuso na siya uli, at type ko ang binigay na welcome sa kanya sa contract signing ng GMA 7. Feel mo na happy ang lahat sa pagiging Kapuso ni Boy, at feel mo rin ang trust niya sa station.

Parang ever since naman mula nang pumasok sa hosting si Boy, ang GMA 7 na ang bahay niya. Isang mabait na talent si Boy na mahal ng lahat ng staff ng anumang show na gawin niya. Very cool at generous kaya tuwang-tuwa ang staff ng kanyang show.

Naku wait natin ang mga wardrobe na isusuot ni Boy, tiyak na isang fashion show ito at hindi kayang talbugan ng iba.

Congrats, Kuya Boy, the long wait is over sa paghihintay na mapanood ka uli sa TV.

LAARNI ENRIQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with