Jose Mari, tumanggi sa titulong Father of Christmas Songs
‘Kaloka na ang traffic ngayon, Ateng Salve. Hindi lang doble ang mga sasakyang lumalabas ngayon dahil sobra-sobra pa dahil Kapaskuhan na nga. Kahapon nga, ang tinaguriang Father of Philippine Christmas Songs na si Mr. Jose Mari Chan ay na-late sa awarding niya sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery ni Mr. Wilson Lee Flores dahil naipit daw sa traffic.
Eh, kilala si Jose Mari na palaging maagang dumarating sa kanyang mga commitment, kaya panay ang paliwanag ni Wilson na padating na ang singer-businessman. Anyway, naghintay naman ang media kay Mr. Chan at excited na makita siya dahil alam nila na hindi ito tatanggi na magpa-sample ng ilang Christmas songs.
Ang awarding nga pala na ‘yon sa music icon and top sugar businessman ipinag-imbita ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII). FFCCCII Lifetime Achievement Award ang plaque at medal na ibinigay nila kay Jose Mari at special guests sina China Ambassador Huang Xilian and Cebu City Mayor Mike Rama at dinaluhan din ‘yon ni FFCCCII Dr. Henry Lim Bon Liong.
Sa awarding na ‘yon, Mr. Lim also announced that the FFCCCII had officially written a letter to the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) to endorse and nominate Mr. Chan as National Artist due to his rich contributions to Philippine arts and culture.
Ang bongga!
Sa kanyang speech, nag-dialogue si Jose Mari na hindi siya dapat tawaging Father of Christmas Songs, kaya nang magtanong sa kanya ay sinabi ko na hindi ba niya puwedeng tanggapin kahit ‘yung title na tinatawag sa kanya bilang Father of Philippine Christmas Songs dahil ang mga tao naman ang nagsasabi no’n at talaga namang September pa lang ay pinatutugtog na ang kanyang Christmas songs na pinasikat?
Actually, kahit wala pang September ay “sumisilip-silip” na ang mga litrato niya na nagpaparamdam na nga na malapit nang mag-Christmas dahil sa atin nga rito sa ‘Pinas, basta pagdating ng September ay makakarinig na ng Christmas songs.
Sabi naman niya, noon pa man ay marami nang Tagalog Christmas songs, kaya hindi raw talaga siya dapat tawaging Father of Philippines Christmas songs.
Anyway, kahit tumatanggi si Jose Mari sa title na ‘yon ay hindi naman siya nagdamot na magpa-sample ng ilang Christmas songs.
Actually, ang media na um-attend doon ay pinapili pa niya kung anong Christmas songs ang gustong ipakanta sa kanya.
Natuwa nga pala si Jose Mari nang sabihin naman sa kanya na ngayon pa lang ay marami nang gustong bumili ng tickets para sa Love... In Other Words US concert tour nila ng The CompanY sa February next year!
Vice, ayaw solohin ang credit
In fairness to Vice Ganda, nagpugay siya kina Lassy Marquez at MC Muah sa presscon ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Ivana Alawi, ang Partners in Crime.
Sabi ni Vice, hindi niya magagawa ang bawat project niya kundi sa tulong ng mga kagaya nina Lassy at MC na hinahayaan siyang mag-shine.
Malaking tulong nga raw sina Lassy at MC, pati na rin ang lahat ng mga bumubuo sa bawat proyekto niya, para magkaroon sila ng isang magandang project.
At least, hindi sino-solo ni Vice ang credit, kaya naman nakatutuwa ang Kapamilya comedian-TV host.
Bongga!
Anyway, masaya si Vice na nakabuo sila ng pelikula ni Ivana para sa 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang last MMFF entry ni Vice ay noong 2019 na nagsama sila ni Anne Curtis.
‘Yun na!
- Latest