^

PSN Showbiz

Sharon at iba pa, pinasalamatan sa pagdugtong ng pisi sa triple bypass ni Direk Joel

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon at iba pa, pinasalamatan sa pagdugtong ng pisi sa triple bypass ni Direk Joel
Joel
STAR/ File

Nakauwi na si Direk Joel Lamangan pagkatapos ng kanyang triple bypass.

May nabasa akong post ng partner niyang si Jim Pebanco na nakauwi na sila.

At pinasalamatan niya ang team ng heart surgeons na humawak kay Direk Joel.

Hindi rin nito nakalimutang pasalamatan sina Sharon Cu­neta at iba pa na aniya’y nagdugtong ng pisi o gastos nila.

Tiyak kasing hindi naman biro ang gastos sa ganung operasyon.

Isinagawa ang operation ni Direk Joel last week sa Makati Medical Center na magpapa-check lang pero na-angiogram hanggang nakita na may bara ang kanyang puso.

Nanatiling active kasi si Direk Joel kahit noong kainitan ng pandemic at ngayon nga ay may entry pa sa MMFF, ang My Father, Myself, na controversial dahil R-18 kaya hindi puwedeng ipalabas sa SM cinemas. Starring sa My Father, Myself sina Jake Cuenca and Sean de Guzman.

JOEL LAMANGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with