^

PSN Showbiz

Ara at Dave, sinubukang bumuo ng anak sa hungary

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ara at Dave, sinubukang bumuo ng anak sa hungary
Ara at Dave
STAR/ File

Mahigit isang taon nang kasal sina Ara Mina at Dave Almarinez. Kama­kailan ay nagkaroon ng pangalawang honeymoon ang mag-asawa sa Hungary. “Nag-travel kami na may halong business. Kasi gano’n ‘yung asawa ko eh. Hangga’t nando’n kami, hahaluan na rin niya ng business deal. Kasi may kausap siya do’n. kumbaga parang two-in-one ang travel, business and pleasure at the same time. ‘Yung mga meetings namin ‘pag morning. Tapos pasyal na kami sa hapon and then singit ng dinner sa mga kausap namin,” kwento ni Ara.

Mahigit isang linggong namalagi sa Hungary ang mag-asawa. Bukod dito ay mayroon pang ibang napuntahan sina Ara at Dave. “Nag-quick visit lang kami sa Vienna, hindi na kami nag-Europe tour. Kasi ang daming nagyu-Europe tour ngayon. Sa Vienna ang daming tao at hindi mo rin mai-enjoy ‘pag nagpa-picture ka. Mas na-enjoy ko ‘yung Hungary, tapos laid back. Hindi ‘yung parang tourist spot talaga na ang dami-daming tao. Mas relax,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaang sa Baguio nagpakasal sina Ara at Dave noong isang taon. Posible na kayang makabuo ng pamilya ang mag-asawa pagkatapos ng kanilang honeymoon sa Hungary? “Let’s see. Let’s find out. Pero ayokong madaliin kasi medyo marami pa akong gagawin this December. So baka next year na. Kung hindi mabuo do’n sa Hungary, pwede namang dito namin gawin, ‘di ba? Kasi after the wedding nag-quick honeymoon lang kami eh. Sobrang bilis lang, three days. So let’s see. Sa Hungary siyempre tinry namin and tingnan natin kung magkakaroon ng made in Hungary. Pero if not naman, we’ll not be frustrated. Ibig sabihin kasi baka made in the Philippines si baby. Ang lamig kasi do’n eh pero masarap kapag malamig,” natatawang pahayag ni Ara.

Noel Trinidad, last hurrah na ang family…

Masayang-masaya si Noel Trinidad dahil sa edad na walumpu’t isang taong gulang ay nakapagbida pa sa Family Matters. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Kapaskuhan. Katambal ng beteranong aktor sa naturang proyekto si Liza Lorena. “Feeling ko magtatagal pa ako ng konti. Although I must say, I always say, ito na palagay ko ang last hurrah for me. But if this will be my last hurrah, then for me it’s such a terrific honor to have this as my last hurrah,” nakangiting pahayag ni Noel.

Kabilang din sa nasabing MMFF entry sina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez at JC Santos. Para kay Noel ay talagang magaling rin ang kanyang mga nakaeksena sa pelikulang ginawa ng direktor na si Nuel Naval. “Sana may category na best ensemble acting in a movie. Kasi surely, we would qualify for that and that’s because of direk. Somehow nabuo ‘yung gusto niya because of the way he directed us,” giit niya.

Mula nang ilabas ang trailer ng family-oriented movie ay umani na ito ng papuri mula sa mga manonood. Malaki ang pasasalamat ni Noel sa mga nagbigay ng magagandang komento sa kanilang pelikula. “Salamat ulit sa inyong suporta. Mapapansin n’yo, ‘yung ibang pelikula, may horror, may out and out of comedy, merong barilan. ‘Yung amin simple lang, tungkol sa pamilya. With your support, kahit na walang superstar dito eh sana naman masuportahan ‘yung aming pelikula. Ang nagdadala sa amin ay ‘yung arte nitong barkadang ito at ‘yung istorya, ‘yan ang magdadala sa amin,” pagtatapos ng beteranong aktor. (Reports from JCC)

DAVE ALMARINEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with