Maria Clara at Ibarra, pinarangalan sa Gawad Banyuhay 2022

Barbie
STAR/ File

Bukod sa pagiging top-rating at trending gabi-gabi, award-winning na rin ang GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra!

Sa first-ever Gawad Banyuhay 2022 na mula sa Dr. Carl E. Balita Foundation, pinarangalan ang serye ng Gawad Banyuhay ng Programang Pang-edukasyon.

Mismong si Binibining Klay (Barbie Forteza) ang personal na tumanggap ng award noong Dec. 12 sa Manila Hotel.

Ang Gawad Banyuhay ay kumikilala sa mga indibidwal o grupo na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo o gawain.

Show comments