Nakilala na ang mga kawatan ng kotse nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Hinihintay na lang nila na hulihin ito ng mga pulis at kasuhan.
Malaki-laking halaga ang nawala sa magka-relasyon matapos silang mabiktima ng basag-kotse gang sa Bacoor, Cavite noong December 1.
Ang kuwento: ipinarada nina Ronnie at Loisa ang Jeep Wrangler nila para kumain sa isang café.
Nakuha sa kanila ang iPhone 11 at iPhone 13 kung saan naka-save ang kanilang crypto-currency investment na ang face value 1 billion.
Pero hindi ito kumabaga 1 billion pesos.
“Sa Pilipinas kasi, hindi sila techie. Nakakatuwa nga ho, eh, ‘yung mga nakakaintindi about sa crypto, naiintindihan nila, tumutulong sila, ang ganda ng mga comments nila.
“Pero ‘yung mga peanut na tao na iba, hindi nila alam, tinatawanan nila kami,” aniya.
“Basta ang punto po nito, hindi ho 1 billion (pesos) ‘yung binigay namin pera at nawala sa amin, hindi po. One billion coins po ‘yun, tig-1 billion coins po kami,” paglilinaw nila na ang buong akala ng mga walang malay sa crypto currency ay 1 billion pesos.
Kaya ngayon pag-nag invest daw sila sa crypto, sa laptop na raw nila ilalagay.
Anyway, nang tanungin namin kung hindi ba nag-alarm yung kotse dahil luxury car kumbaga ‘yung ganung mamahaling kotse, may safety feature naman siguro ‘yun? “Sinipa ko nga yung kotse wala eh, nag-blink lang,” sabay tawa na ni Ronnie.
Very positive naman ang attitude nila Loisa na pakiramdam nila na pag may nawala, may kapalit naman ‘yun.
In pesos ay more or less equivalent to 1 million daw ang halaga ng nasabing investment nila.
May paghahanda na rin naman silang ginagawa sa kasalukuyan para sa kanilang future at kasama sana ‘yun dahil lumalaki raw talaga ang nasabing investment.
Samantala, thankful sila na kasama sila sa pelikulang My Teacher na collaboration ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga para sa kanilang Ten17P Productions and TinCan Productions.
“Sobrang grateful, na-appreciate namin. Kasi kung hindi dahil dun, wala naman kaming MMFF na entry, di ba? So, dahil kay ate Toni, grateful kami na napasama kami rito sa My Teacher,” pahayag ni Loisa.