Ibang kaibigan ni Pacquiao, ‘di nagkaroon ng visa sa South Korea
Ang normal na ulit ngayon ang pagbiyahe sa abroad.
Lalo na sa Bangkok.
Wala nang kailangang requirement o health protocol.
Bumalik na sa dati.
At kahit ata sa ibang bansa, ganundin.
Ang pahirapan ngayon puntahan ay South Korea.
Marami sanang gustong manood ng exhibition game ni Manny Pacquiao at DK Yoo sa South Korea na magaganap ngayong araw pero hindi sila nakakuha ng visa.
Actually, sa South Korea rin sana kami pupunta last November pero ‘di rin kami nakakuha ng visa. Ang advice ng travel agency, wala nang schedule dahil 10 applicants lang a day ang binibigyan ng visa.
Grabe raw kasi ang pila ng mga Pinoy na gustong pumunta sa South Korea para magbakasyon at siyempre mag-pictorial.
Kahit pulitiko na malalapit sa Pambansang Kamao ay ‘di nagkaroon ng visa for today.
Pero sila tita Annabelle Rama, andun kasama ang pamilya nina Richard and Sarah.
Anyway, muli ngang pinasok ni Pacquiao ang boxing ring sa isang exhibition bout.
- Latest