Kimson Tan, bida sa Singaporean movie na King of Hawkers
‘Ang bilis ng pangyayari sa career ng Kapuso actor na si Kimson Tan.
May pelikula agad siya, international pa, may pamagat na King of Hawkers
Paano niya nakuha ang nasabing project?
Kuwento ni Kimson, tinanong siya ng handler niya kung kaya niyang magsalita ng Mandarin or Fukien na requirement sa pelikula.
Hanggang nag-record siya speaking in Chinese, introducing himself.
At ‘yun na.
Sa Singapore kukunan ang kabuuan ng pelikula.
“To be honest po medyo nakaka-pressure po at the same time excited. Pressure po kasi I’ll be the first in the Philippines with GMA collaborating with AOR Global. Kumbaga ako po ‘yung una eh so I have to really give my best in everything that I do right now lalo na po I’m not only representing myself, I’m representing GMA network and I’m representing the Philippines in Singapore. So I really have to give my best po. Excited po kasi this is my dream to try to go international and it is happening right now.
“It’s really happening right now and nagsi-sink in na po sya onti-onti. Plus I’m working with million dollar Director in Singapore which is Direk Kelvin Sng. Sobrang laking privilege po sakin. Sobra honor to work with Direk Kelvin,” pag-amin niya.
Sa ngayon ay hindi pa sila nagwo-workshop.
“But I will fly to Singapore next year - dahil this film will revolve around the food culture of Singapore.”
Aminado rin siya na malapit sa totoong buhay niya ang character niyang gagampanan sa pelikula.
“It was close to me kasi ‘yung sa story na ito may kinalaman din sya sa grandfather nila. And I grew up with my grandparents so sobrang lapit lang ng role sakin talaga. This is my lolo’s dream for me and right now alam ko na ‘yung script is written somehow close to my lolo. So sobrang lapit lang talaga ng character sketch ko sa personality ko, sa buhay ko.”
Parehong may Chinese background ang parents niya kaya magaling siya sa Fukien.
“I have Chinese background. With my parents po both of them from China so basically kumbaga it’s my mother language na rin at the same time plus I attended the Chinese school during Elementary and High school days. Doon ko po talaga mas natutunan po ang pagsasalita ng Mandarin at Fukien po talaga.”
Marunong na rin siyang magluto kaya hindi na siya mahihirapang mag-adjust sa pelikula.
“Personally po I can cook all the normal dishes for breakfast. ‘Yung mga typical, mabilis lang lutuin talaga but other than that medyo komplikado na po lutuin eh. Medyo hindi pa po talaga ako sanay. And patuloy ko po syang inaaral at aaralin.”
Actually, cute si Kimson at papasang Korean actor.
Tinuturing niyang early Christmas gift ang King of Hawkers na gagawin niya.
“Of course it is such an early Christmas gift for me to sign a contract of King of Hawkers and with AOR Global. Ang agang Christmas gift po nito sa akin ni Santa. Really overwhelmed up until right now talagang hindi pa talaga totally nagsi-sink in sa akin.”
Pumunta na siya sa Singapore para makipag-meeting sa production people ng nasabing pelikula at aminado siyang teary eyed siya na finally nangyayari na ang mga pangarap niya.
Kasalukuyang napapanood si Kimson sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
May training din siya kay Chef John See, ang sikat na food stylist ng 2018 hit movie Crazy Rich Asians para sa pelikula.
- Latest