^

PSN Showbiz

Jeric Raval, may pakiusap sa ‘panganganak’ ni AJ!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jeric Raval, may pakiusap sa �panganganak� ni AJ!
Jeric Raval

Dumating si AJ Raval sa press preview ng pelikulang Pinoy Ghost Tale na ginanap sa HiDN Lounge sa Quezon City nung nakaraang Biyernes, pero hindi siya humarap sa entertainment press na nandoon.

Bahagi si AJ sa naturang horror film na mala-Shake, Rattle and Roll na tatlong episodes ito.

Ang isang episode nito na pinamagatang The Actress ay pinagbidahan ni AJ kasama ang ama niyang si Jeric Raval.

Nandun din sa pelikula ang binatang anak ni Jeric na si JK Raval.

Sabi ni Jeric, wala pa raw sa Viva si AJ nung ginawa nila ang pelikulang ito.

Balak nga ng producer at ng direktor na si Jojo Nadela na ialok nila ito sa Vivamax dahil kasali rin dito ang isa pang artist nilang si Aubrey Caraan.

Habang pinapanood namin ang pelikula, dumating si Jeric kasama ang anak na si JK at pati si AJ.

Hindi namin napansin si AJ dahil naka-face mask ito at nakasumbrero. Hinatid lang niya ang daddy at kapatid niya at umalis din.

Sabi ni Jeric, may dadaluhan pa raw na story conference si AJ kaya hindi na siya makapag-stay nang matagal.

Bago nagsimula ang presscon, pinakiusapan na kaming huwag na sanang pag-usapan ang tungkol sa buntis isyung kinasangkutan ni AJ. Pero kahit paano ay nakapagsalita naman si Jeric.

Nabanggit kasi namin ang tungkol sa balak ng isa pa niyang anak na si Noriko at itong si JK na pumasok sa pag-aartista, tinanong namin kung ano ang maipapayo niya sa kanila base sa mga pinagdaanan ni AJ na mga isyu at intriga.

Ani Jeric: “Ang payo ko na lang sa mga anak ko, dito kasi sa movie industry, ang sikreto dito ay marunong kang makitungo sa mga tao, marunong ka makisama. Lahat dito kaibigan. Ang iniipon dito kaibigan. Hindi kaaway.

“Kahit kay AJ ‘yun ang sinasabi ko sa kanya. Lahat dito kaibigan. Kung may namba-bash man sa ‘yo, magpasalamat ka, kasi bina-bash ka. Ibig sabihin, sikat ka.

“’Pag ina-ambush interview ka… iba kasi ‘pag ambush interview ayaw e.

“’Pag may ambush interview, magpasalamat ka kasi may news value sa ‘yo. Kaya ka ina-ambush interview.”

Kaya sinundan na namin ng tanong tungkol sa mainit pa ring isyung kinasangkutan ni AJ. “’Yung mga naglabasang isyu dati kay AJ na… actually, matagal na ‘yun e. Nagtataka ako bakit hanggang ngayon hindi pa nanganganak… may buntis, ilang buwan na overdue na.

“Okay lang ‘yun, anak. At least napapag-usapan ka. Okay lang ‘yun. Masanay ka sa ganyan. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa.

“Okay lang ‘yan. Kasama ‘yan sa trabaho natin,” ‘yun daw ang payo niya kay AJ.

Pero may pakiusap pa rin si Jeric sa mga taong patuloy pa ring naglalabas ng mga ganitong intriga sa kanyang anak. “Sa mga tao na hanggang ngayon ay pinag-usapan ‘yung isyu tungkol dun sa anak ko, sana po patahimikin na po natin. Kawawa naman po ‘yung bata. Tapusin na po natin ‘yung isyu.

“Ako na po ang nagsasabi at ulitin ko. Ang isyu na ‘yun ay isyu lang ho ‘yun. Wala hong katotohanan lahat.”

Uunahan ang KathNiel? Karla Estrada, gusto pang ikasal!

Hindi natuloy nung nakaraang Linggo ang airing sa Korina Interviews ng episode na one-on-one interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Karla Estrada.

Nagkaroon yata ng problema sa editing kaya nag-replay na lang muna ng episode ni Sylvia Sanchez.

Pasabog ang mga pahayag ni Karla lalo na sa pinapangarap pa rin pala niyang makasal. “Lahat ng babae nangangarap magsuot ng traje de boda…pwede pa rin naman ako humabol doon,” pahayag niya pagkatapos niyang aminin ang tungkol sa relasyon niya sa non-showbiz boyfriend.

“Yes, I’m in love,” bulalas pa ng ina ni Daniel Padilla.

Abangan mamaya kung ano ang mga pahayag ni Karla tungkol sa tanong ng karamihan kung balak na bang magpakasal nina Daniel at Kathryn Bernardo.

May balak pa rin kaya si Karla na pasukin ang pulitika? Sa Kongreso ba o Senado ang target niya sa susunod na eleksyon.

Paano niya hina-handle ang pagkakaiba sa pananaw niya at ng kanyang mga anak sa pulitika?

Abangan ito ngayong 5 ng hapon sa Net25 pagkatapos ng Moments ni Gladys Reyes at bago ang Love, Bosleng and Tali.

 

vuukle comment

JERIC RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with