Dingdong, nag-deliver ng mga bulaklak ni Marian
MANILA, Philippines — Mukhang papapel muli bilang delivery rider si Dingdong Dantes para sa flower business ng asawang si Marian Rivera na Flora Vida by Marian.
Muling inilabas ni Yan sa kanyang Facebook ang video ni Dong nang mag-deliver ng flower arrangement ng asawa.
Syempre, gulat na gulat ang customers nang si Dong ang bumulaga sa kanilang pintuan na nag-deliver ng kanilang order!
Guwapo na ang rider, may libreng selfie at groupie pa sa GMA Primetime King, huh!
Of course, kapag walang order, pumapapel sa teacher si Yan sa mga anak na dati na niyang ginagawa noong wala pa siya sa showbiz, huh!
Mother Sitang, gaganap na Kakampink!
Ngiting-tagumpay si direk Darryl Yap dahil tumugon sa kanya ang sikat na transgender na si Mother Sitang sa panawagan ng director sa kanyang Facebook account.
Sa post ni direk Darryl, iniimbitahan niya si Mother Sitang upang magkaroon ng cameo role sa gagawing movie sa second quarter ng 2023.
Eh may pahaging ang director sa magiging role ni Mother Sitang sa movie dahil bilin niya, “please bring pink outfits. Thanks.”
Laking tuwa ng director sa next FB post niya, “got a reply from Mother Sitang.” Sabi niya sa English language na translation, “We gonna fight.”
Thai si Mother Sitang, ‘di ba, Salve A.?
Naku, another controversial movie ang gagawin ni direk Darryl kung tama ang hula ng marami sa magiging character ni Mother Sitang wearing pink outfits, huh!
Knows ninyo naman kung kanino identified ang color pink, huh!
Anyway, natapos na ni direk Darryl ang movie niyang Martyr or Murderer (MoM) na sinasabing sequel sa hit movie niyang Maid in Malacañang at sa Ilocos Norte syinut!
- Latest