Jak, takot pa rin sa mommy ni Barbie

Jak Roberto at Barbie Forteza

Naku, Ateng Salve, alam mo ba na kahit ang tagal na ng relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza at hinuhulaan ngang mauuwi na ‘yon sa kasalan ay hindi pa rin “Mommy” ang tawag ng Kapuso hunk sa bida ng Maria Clara at Ibarra?

Yes, “Tita” pa rin ang tawag ni Jak sa nanay ni Barbie, kay Amy Forteza.

Biniro ko nga si Jak nang nagkita kami sa isang coffee shop sa may Tomas Morato, Quezon City. Sabi ko, buti pa ako at Mommy Amy ang tawag ko sa nanay ng kanyang girlfriend. “Baka po kasi magalit si Tita Amy kung Mommy ang itatawag ko sa kanya,” sey ni Jak.

Naku, tinawagan ko nga si Mommy at ikinuwentong kaharap ko si Jak at “Tita” nga ang tawag sa kanya.

“Ganyan po si Jak, ‘Tita’ ang tawag sa akin, pero sa daddy po ni Barbie, ‘Daddy’ ang tawag niya. Ewan ko nga sa kanya,” sey ng nanay ni Barbie.

Ngingiti-ngiti si Jak sa dialogue ni Mommy Amy (naka-speaker ang pag-uusap namin).

Anyway, nang magkita kami ni Jak ay dala niya ang kanyang helmet na gamit sa pagmo-motorcycle.

Noong una raw ay hindi agree si Barbie sa pagmo-motorcycle niya, pero alam naman daw ng kanyang girlfriend na maingat siya, kaya pinapayagan na raw siya.

Samantala, dahil supoortive boyfriend si Jak, happy raw siya sa magandang feedback kay Barbie sa Maria Clara at Ibarra series ng kasintahan.

‘Yun na!

Angeline, heartbroken sa pagkamatay ni Jovit

Ramdam na ramdam ang pagka-heartbroken ni Angeline Quinto sa pagpanaw kahapon ni Jovit Baldivino.

Sinabi nga ni Angeline na isa si Jovit sa may pinakamagandang boses at pinakamabait na nakatrabaho niya noong nagsisimula pa lang ang Kapamilya singer-actress sa kanyang showbiz career.

Hindi nga raw makakalimutan ni Angeline ang kakulitan ni Jovit.

Pati ang pagiging sweet daw sa kanyang mga tagahanga ng yumaong singer ay hindi rin makakalimutan ni Angeline.

Sana nga raw ay hindi totoong wala na nga si Jovit dahil napakaaga pa raw masyado (29 years old lang ito nang pumanaw).

Sabi pa ni Angeline, “Salamat, Jovit, sa pagkakaibigan at mga pagkakataon na makatrabaho kita. Kantahan at pasayahin mo sila dyan sa langit, ah, Jovs. Mahal na mahal ka namin.”

Alam mo, Ateng Salve, na-sad ako sa post na ‘yon ni Angeline dahil ramdam ko ang kanyang sobrang kalungkutan.

Alam ko kung gaano ka-sensitive si Angeline dahil ang tagal ko na rin siyang kaibigan (simula nang ipakilala siya sa akin ni Regine Velasquez-Alcasid) at alam ko na sobrang sincere siya sa mga bagay na sinasabi niya.

May your soul rest in Eternal Peace, Jovit!

Show comments