MANILA, Philippines — Nanggulat ang singer na si Jovit Baldivino sa biglaan nitong pagpanaw nung madaling araw ng Biyernes.
Winner ng Pilipinas Got Talent season 1 si Jovit na pinahanga ang marami sa rendition niya ng ilang kanta gaya ng Faithfully.
Inihayag ng kapatid niyang si Gil Baldivino sa kanyang social media account ng pagpanaw ng kapatid.
Naiwan ni Jovit ang asawa niyang si Camille Anne Miguel.
Nico, dollars ang natanggap na tf
Level up na sa international scene ang acting ni Nico Antonio.
Nagsimula bilang bilang extra ang aktor na si Nico at dumanas din ng buhay ng isang extra. Pero ngayon, international break ang dumating sa kanya nang makapasa sa audition ng Korean series na Big Bet na streaming sa Disney Plus channel simula sa Dec. 21.
Kasama si Nico ng kilalang Korean stars at may Pinoy actors ding kasama sa series.
“When they told me I got the role at kung sino ang makakasama ko, nagulat ako dahil malalaki silang Korean actors,” sabi ni Nico sa solo presscon niya.
Nagpunta sa Korea si Nico last July upang i-shoot ang kanyang scenes. Pero may mga eksena rin sila sa Angeles, Pampanga.
Eh ano ang kaibahan ng shooting ng Korean series sa series natin?
“Mas marami silang pera at malaki ang budget. Para sa series, P1B ang nagastos nila more or less,” sabi ni Nico.
Korean won o pesos ang bayad sa kanya?
“They paid him in US dollars,” sabad ng mother niyang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso na naging manager niya para sa international break na dumating kay Nico.
Bukod sa international series, mapapanood next year si Nico sa Kapuso series na Voltes V: Legacy.