Matet, sinagot ang nagbibintang ng Laos siya

Matet

“Hindi po nalalaos ang supporting stars, iyong bida lang” ganyan ang sagot ni Matet sa basher na nagsabing siya ay laos na.

Walang duda na ang nagsabing laos na siya ay isa sa natitira pang supporter ng kinikilala niyang nanay na si Nora Aunor. Kasi nga nagsimula lang naman ang bashing nang magkaroon sila ng sigalot dahil sa tuyo at tinapa.

Huwag na nating pakialaman ang kanilang sigalot dahil sa pagtitinda ng tuyo at tinapa, ang punto ay ang sinasabing laos si Matet.

Siguro ang batayan nila ay hindi na nagiging bida si Matet sa pelikula kagaya noong araw, pero siya kasi ay isang child star. Nang lumaki si Matet, hindi naman siya nagaya kay Snooky o kay Vilma Santos na talagang nag-bida sa pelikula. Medyo pigil ang career ni Matet at pinili niya na magbigay na lang ng support. Tama naman sigurong diskarte dahil sa totoo lang mas tumatagal ang career ng mga nasa supporting roles, at mas marami silang proyektong magagawa kung gugustuhin nila.

Iyon nga lang talagang limitado ang trabaho ng mga taga showbiz ngayon, maliban doon sa mga naghuhubad at gumagawa ng mga mahahalay na pelikulang inilalabas sa internet na hindi naman gagawin  ni Matet.

Kaya wala sa ayos ang nagsasabing laos na si Matet.

Bakit naman kailangang siraan pa siya, eh masama na nga ang loob noong tao dahil sa ginawa sa kanya. Ano ang gusto ninyo, magpaka-plastic si Matet at magkuwaring ok lang sa kanya ang lahat?

Inilalabas lang niya ang sama ng kanyang loob, tapos lalaitin pa.

Ano ba namang klaseng tao ang mga laos na iyan? Sila ang laos, hindi sila kilala eh.

Baguhang aktor, matindi ang self confidence

Bago pa lang ang male star pero mukhang kinakitaan na siya ng “masyadong self confidence”. Feeling niya kasi mas pogi siya sa mga kasabayan niya. Pero alam naman natin ang isang artista ay hindi dapat na pogi lang, higit sa lahat kailangang marunong umarte.

Marami ang naiinis sa kanya pag naririnig siyang sinisiraan ang mga kasabayan niyang mas nabibigyan ng assignments kaysa sa kanya.

Hindi niya iniisip na ang mga iyon ay nakitaan ng mas mahusay na acting kaysa sa kanya.

“At isa pa, bading kasi siya na paminta lang,” sabi ng isang talent manager.

Show comments