Maricel, hindi takot malaos

Maricel
STAR/ File

Nagsimula sa show business si Maricel Soriano bilang isang child star noong 1971. Sa pananatili ng limang dekada sa industriya ay hindi raw natatakot ang Diamond Star na siya ay malaos. “Hindi, kasi from the start, bata pa lang ako, alam ko na iyan. Sinabi na nila sa akin. Sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Kaya dapat laging handa. Dapat girl scout ka, laging handa. Hindi pwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na marami ang maaaring mangyari. Maaaring mangyari na sumikat ka, maraming maraming salamat. Paano kung hindi? Maraming, maraming salamat pa rin dapat,” makahulugang pahayag ni Maricel.

Noon pa man ay tanggap na ng aktres na talagang maraming mga kabataang artista ang makikilala sa paglipas ng mga taon.

Darating ang panahon na talagang may bagong henerasyon ng mga artistang sisikat sa mundo ng showbiz.  “Kung sumikat ka, tapos na ‘yung time mo, bigay mo naman sa iba. Gano’n talaga ‘yon eh. Natapos na ‘yung term mo, share it naman to others,” paglalahad ng Diamond Star.

Samantala, sa susunod na taon ay magbibida si Maricel sa teleseryeng Linlang. Makakasama ng aktres sa bagong proyekto sina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.

Albie, never naisip na layasan ang showbiz

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Call Me Papi kung saan ay isa sa mga bida si Albie Casino.

Para sa aktor ay kakaibang karakter niya ang matutunghayan ng mga tagahanga sa naturang proyekto. “After shooting this movie and getting involved in the character, I was able to take a part of it with me now that the fans will be able to see a more serious side of me. I like to laugh, make jokes and make people laugh. But dito very serious ‘yung character ko eh. I don’t even crack a single joke the whole time,” pagbabahagi ni Albie.

Matatandaang naugnay ang aktor noong 2011 sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann. Pumutok ang balitang si Albie diumano ang ama ng anak ng aktres. Hindi nagtagal ay lumutang na ang pangalan ni Jake Ejercito na siyang tunay na ama ng bata.

Ayon kay Albie ay hindi sumagi sa kanyang isipan na talikuran ang showbiz noon kahit na maraming mga proyekto ang nawala sa kanya dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan. “Siguro just by taking it day by day lang. When you’re facing tough time or tough problems, you feel that they’re a lot bigger and a lot harder than they actually are. But I feel like that’s the opposite of what happened to me. Now I look back then, I had no choice but to live my life day by day. It wasn’t like I was focusing on a goal, focusing on proving the haters wrong. It’s just that I was living my life every day and then it just added up to that. It wasn’t my goal to stay in acting and to prove my doubters wrong but it just ended up happening because I was just living my life day by day. It wasn’t my goal to do that,” paliwanag ng aktor.

(Reports from JCC)

Show comments