^

PSN Showbiz

Ate Vi, ayaw sa magarbong selebrasyon ng Pasko

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, ayaw sa magarbong selebrasyon ng Pasko
Ate Vi
STAR/ File

Bumati na si Ate Vi (Santos) ng Merry Christmas sa lahat sa pamamagitan ng isang video na kanyang inilabas sa social media. Wala siyang masasabing ‘public celebration’ ng Christmas.

Sinabihan na rin niya ang kanyang fans na kung hindi maiiwasan ang Christmas parties na nakagawian na nila noong araw, gawin iyong simple. Kung hindi naman, palampasin na muna ang taong ito, tutal napalampas na ng ilang taon dahil sa pandemic na hanggang ngayon ay andyan pa rin naman.

Ang sinasabi pa niya, totoong mahirap ang buhay ngayon para sa marami kaya dapat iwasan din ang malakihang gastos. “Sa akin kasi ang Pasko ay para sa pamilya. It all starts at home. Basta magkakasama kayong lahat, masaya kayo, walang alitan, walang samaan ng loob, iyon dapat ang Pasko. Kung sabihin nga iyang Pasko, celebration of the family. Iyan iyong panahong dapat sama-sama ang buong pamilya. Magkakalayo man kayo ng isang buong taon, iyan ang okasyon na kailangang magkita-kita. Magkaroon lang siguro ng noche buena together, tapos sa araw ng Pasko magkakasama pa rin. Ganoon lang ok na. Iyon naman ang mahalaga,” sabi ni Ate Vi.

Sinasabi rin ni Ate Vi na this year ang feeling niya, maraming biyayang dumating sa kanyang buhay.

Christmas wish ni Vhong, natupad

Ilang araw bago mag-Pasko ay pinayagan ang petition for bail ni Vhong Navarro. Hindi na nga siya makakaranas ng Pasko sa loob ng City Jail.

Ngayon ay inaayos na ng kanyang legal team ang kanyang piyansa para makauwi siya sa kanyang pamilya.

Ilang araw lang ang nakararaan, sinasabing halos mawalan na ng pag-asa si Vhong kaya humahagulgol raw ‘iyon, pero kahapon ng umaga iba na.

Nalaman na niyang pinayagan siyang mag-pyansa ng P1 million.

Ayaw nating pangunahan ang korte pero dahil binigyan siya ng bail, posibleng sa palagay noon ay mahina ang ebidensiya laban sa kanya sa kasong rape. Ang rape ay non-bailable offense.

MMFF entry, nagmamadali sa dubbing

As expected, ilang araw na lang pero may mga pelikula palang hindi pa tapos na kasali sa MMFF. May nagkuwento sa amin, noong isang araw daw ay nagra-rush pa sa dubbing ang isang pelikula sa isang post production lab, maliwanag na iyan ay magiging hush-hush na naman ang kalalabasan.

Iyon minsan ang problema, kung palagay nila ay box office star naman ang artista nila, hindi na sila particular sa kalidad ng pelikula.

Sana kumita ang mas matitinong pelikula at hindi iyong basura.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with