Mga pelikula ni Vice Ganda at Star Cinema, libre sa Abs-Cbn Superview
Libreng movie marathon ang handog ng ABS-CBN Superview sa YouTube ngayong Kapaskuhan dahil mapapanood sa Disyembre ang iba’t ibang pelikula ng Star Cinema.
Samahan si Vice Ganda para sa walang katapusang tawanan kapag pinanood ang mga pelikula niyang Beauty and the Bestie, Fantastica, The Mall The Merrier, Sisterakas, Unkabogable Praybeyt Benjamin, Amazing Praybeyt Benjamin, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, at Gandarrapiddo! The Revenger Squad.
Available rin nang libre sa unang pagkakataon sa ABS-CBN Superview ang pelikula nina Christian Bables, Martin Del Rosario, at Paolo Ballesteros na The Panti Sisters, pati na rin ang iba pang LGBT movies na Ang Dalawang Mrs. Reyes at Bromance: My Brother’s Romance.
Nakakaantig naman na mga kwento na siguradong pupukaw sa damdamin ng buong pamilya ang mapagpipilian sa mga pelikulang Four Sisters and a Wedding, Ang Tanging Ina Last Na ‘To, at Seven Sundays.
Para naman sa mga gustong kiligin kasama ang mga mahal sa buhay, i-stream ang Sakal, Sakali, Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Past Tense tampok ang tambalan nina Xian Lim at Kim Chiu, BFF: Best Friends Forever nina Sharon Cuneta at John Estrada, at ang iWantTFC original series na Hoy, Love You! seasons one at two nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap.
Mae-enjoy din sa ilang restored classic films na pinagbibidahan ni Vilma Santos tulad ng Tag-ulan sa Tag-araw, Kapag Langit ang Humatol, at Ikaw ay Akin. Nariyan din ang Mga Bilanggong Birhen, Nunal sa Tubig, at Captain Barbell.
- Latest