^

PSN Showbiz

Matet de Leon inaming hirap na hirap ang buhay nilang magkakapatid, naloka sa ginawa ng inang si nora aunor 

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matet de Leon inaming hirap na hirap ang buhay nilang magkakapatid, naloka sa ginawa ng inang si nora aunor 
Matet de Leon

Literal na naloka si Matet de Leon sa ginawa ng inang si Nora Aunor.

Super ang hanash ni Matet sa kanyang Instagram story. Hindi niya matanggap na ang mismong ina niya ang kakalaban sa kanyang negosyong gourmet tuyo.

“Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO,” simula ni Matet.

“Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko,” ang bahagi pa ng post ni Matet bukod pa sa kanyang IG stories.

Ang tinutukoy niya ay ang products nila sa Casita Estrada. “Alam niyang may produkto akong ganyan.. Ma­rami naman daw akong taping. Ano sa tingin n’yo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?”

Sa kanyang post ay makikita  ang bote ng Ate Guy’s Gourmet Tinapa and Gourmet Tuyo na bagong negosyo ng inang Superstar.

Pikon din si Matet sa Noranians na kung makapagsalita sa kanila ay ganun na lang kahit wala naman daw silang ginagawa. Aniya, ‘nood na lang ng TV habang binabanatan ng Noranians sa social media.’

Actually ang punto ni Matet, itinago sa kanila ang nasabing plano ng ina samantalang alam naman daw nito na ganun ang negosyo niya.

Katwiran pa ni Matet wala na nga siyang shows kaya nagtitinda na lang siya pero kinalaban pa.

Sinabi rin ni Matet na baka nagalit ang nanay niya dahil nanghihiram siya rito, pero hindi naman daw siya pinahiram.

Pero hindi raw siya nagalit doon, kundi sa katotohanang inilihim sa kanya ang bubuksan nitong negosyo na direct competitor ng kanyang tinitindang mga gourmet tuyo.

Sa ending ng IG stories ni Matet ay sinabi nitong : “Mahirap, sinasabi ko sa inyo, lahat kaming magkakapatid, hirap na hirap ang buhay namin.”

Kakalungkot naman na may ganitong kuwento sa kanilang pamilya.

 

MATET DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with