Direk Joel Lamangan nanghihingi ng dasal, ooperahan, maraming bara sa puso!

Direk Joel
STAR/ File

Humihingi ng dasal si direk Joel ­Lamangan na maging safe ang bypass operation na gagawin sa kanya ngayong araw ng Lunes.

Tuluy-tuloy kasi ang mga ginagawang pelikula ni direk Joel, at ngayong nabakante siya ng ilang araw, nag-focus muna siya sa kanyang kalusugan.

Sinunod ang payo ng kanyang doktor na magpa-admit na siya sa Makati Medical Center para ma-check up, at doon nga ay dumaan siya sa angiogram.

Doon daw nakita na marami na siyang bara sa kanyang puso, at kailangan na raw niyang dumaan sa Coronary artery bypass surgery.

Nung huli ko siyang nakausap, hindi na niya nabanggit sa amin kung double, triple o higit pa roon ang surgery.

Pero, in high spirit si direk Joel na malalagpasan niya itong operation at maging okay siya uli.

Mabuti at naagapan daw na hindi na siya inatake bago itong operasyon.

Hindi noon natapos ni direk Joel ang pelikulang Felix Manalo dahil kailangan niyang ma-confine at magpa-bypass operation.

Pagkatapos nu’n ay balik-trabaho na siya at tuluy-tuloy na ang ginagawa.

Siya ‘yung tipong hindi mapakali kapag walang ginagawa.

Kaya bago pa man siya naoperahan, nakatono na sa utak niyang babalik agad siya sa trabaho pagkatapos ng operasyon.

Pinagsasabihan siyang magpahinga muna ng ilang buwan para okay na okay na siya talaga. Pero ang dami pang gustong gawin ni direk Joel.

Itong Metro Manila Film Festival entry nga niyang My Father, Myself ay naglikha ng ingay dahil sa binigyan ito ng R-18 ng MTRCB at hindi mapapanood sa SM cinemas.

Pero tuloy pa rin si direk Joel at hindi raw siya pinanghinaan ng loob para gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

“Maraming mga istoryang kinakalimutan. Maraming istorya na hindi nabibigyan ng boses upang maipakita. Marami sa mga paligid natin ‘yan.

“Hindi lamang dapat istorya ng kabaitan, istorya ng tamang pagmamahalan.

“Kagaya ng mga bakla. Dapat hindi mabubuting bakla ang makikita.

“May istorya ng baklang carnapper, baklang rapist, baklang murderer, baklang hindi nagbabayad ng tax.

“Mga baklang nangungutang, mga baklang hacker!

“Bakit hindi natin ipakita ang istoryang ‘yan para kapulutan ng aral?

“Bakit natin kalilimutan? Ang buhay ay hindi romanticism. Ang buhay ay ‘yung totoong nangyayari. Hindi nagtatakip ng katotohanan.

“Ipakita natin ‘yan! Kasi, paano nila mauunawaan ang mga nangyayari sa kapiligiran kung hindi natin ipapakita ang mga tinatagong kasaysayan,”  banggit niya sa huling presscon niya.

Royce, ayaw pekein ang pag-ungol

Naaliw ang mga kabadingang nakapanood ng pelikulang Broken Blooms na launching movie ni Jeric Gonzales.

Sa Dec. 14 na ang showing nito at nagkaroon ng premiere night nung nakaraang Sabado.

Naaliw ang mga kabadingan sa butt exposure ni Jeric, lalo na ang bl--job scene na ginawa ng isang bading na customer kay Royce Cabrera.

Feel na feel ni Royce ang eksenang ‘yun, na ikinaloka ng mga kabadingan ang pag-ungol niya.

Bongga ang pag-ungol ni Royce na parang feel na feel ang eksenang ‘yun. Natawa na lang ang Kapuso actor nang tinanong namin kung saan siya humugot sa eksenang ‘yun na parang sarap na sarap sa ginawa sa kanya ng isang bading na customer. “Parang ano e… kumbaga, kailangang parang maging effective ‘yung eksena e.

“So, parang ang pangit naman kung ipeke mo ‘yung ganung bagay. Tapos, knowing na maganda naman ‘yung material. So, baka imbes na one of the highlights, baka maging ano pa, maging isa pa sa maling eksena,” sagot ni Royce nang tanungin namin.

Bilang isang aktor, dapat isipin daw ng mga manonood na totoong-totoo ang nakikita sa ginagawa niya.

Madrama ang pelikulang ito na siyang nagbigay kay Jeric ng apat na Best Actor award sa ibang international film festivals.

Show comments