Mula nang magkahiwalay sina Nadine Lustre at James Reid noong 2020 ay malaki na raw ang ipinagbago ng aktres. “Completely different, like even different from the one that you’ve met last year. Completely different from the Nadine last year. I’m growing everyday. I’m learning new things, discovering a lot of new things about myself. I mean every time I look back, I always think to myself na parang that person was a different Nadine,” makahulugang pahayag ni Nadine.
Sa ngayon ay naputol na rin umano ang komunikasyon sa pagitan ng dating magkasintahan.
Ang French-Filipino businessman na si Christophe Bariou ang bagong karelasyon ni Nadine. Si James naman ay nananatili pang single ngayon. “He’s very busy and so am i. So we don’t really have time to see each other or talk to each other,” giit ng aktres.
Samantala, magbibida si Nadine sa pelikulang Deleter na mapapanood ngayong Kapaskuhan. Para sa dalaga ay ibang-iba ang tema ng naturang Metro Manila Film Festival 2022 entry sa kanyang mga nagawang pelikula noon. “I wanted to do something that’s different from what I’ve been doing before. I’m into psychological horror films. Something that’s different kasi ‘yung rom-com at drama ilang beses ko na ring nagawa. So, I wanted to try something new. And also, I wanted to challenge myself and see where I can go. I love horror films. I love films that makes you think. It’s very challenging for the actors and that’s the reason why I really accepted this,” paliwanag ng dalaga.
Randy, gustong makipag-collab
Nangangarap si Randy Santiago na magkaroon ng mga kanta o collaboration na kasama ang mga nakababatang singer. Gusto lamang umanong sumabay ni Mr. Private Eyes sa kung ano ang uso ngayon. “Ang uso kasi ngayon ‘di ba mga collab, so I’m thinking aside from having ‘yung mga ka-generation ko, ang gusto kong mangyari ‘yung mga ka-collab ko ‘yung mga bata. And gusto ko nga gumawa ako ng mga kanta para sa mga bata. Kasi ‘yung mga kinakanta ko medyo novelty na, and minsan nararamdaman ko na parang hindi na bagay sa akin ‘yung mga gano’n. So ‘yung naughty sides ko lalo na when I write songs, gusto ko nang ibigay sa mga bata. Basta may mga surprises eh. Sana matuloy,” nakangiting pagbabahagi ni Randy.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring bumalik sa pag-arte ng singer. Matatandaang maraming pelikula ang nagawa ni Randy at isa na rito ay ang Taray at Teroy na pinagbidahan nila ni Maricel Soriano noong 1988. “Pero comedy lang ha. Gusto kong makagawa ulit kami ni Maria. May concept na nga ako for that. Dahil long time ago na rin ‘yon kaya ‘yung mga anak na namin bale ang parang magkakagustuhan,” paglalahad niya.
Malaki ang pasasalamat ni Randy sa lahat ng mga producer at mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa kanya sa bansa at maging sa ibang panig ng mundo. “Nagpapasalamat ako sa tiwala ng mga producers for still getting me. Of course, we’ll have to take care of ourselves, ‘di ba? So ‘pag inaalagaan mo ang sarili mo at nakikita naman na wala kang bisyo at medyo maayos naman career mo and whatever you’re doing sa industriya nando’n ‘yung mga producers and everybody. Kahit sa Amerika when I got there, galing lang ako do’n no’ng May and June when I did my first tour ang saya eh. Parang bumalik na nga sa dati ang lahat. So I’m excited to do more shows din,” pagtatapos ni Randy.
(Reports from JCC)