^

PSN Showbiz

Queen of kundiman Sylvia La Torre, pumanaw habang natutulog

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Queen of kundiman Sylvia La Torre, pumanaw habang natutulog
Sylvia La Torre

Nagluluksa ang local entertainment industry sa pagpanaw ni Sylvia La Torre, 89, nung Dec. 1.

Ipinost ng pamangkin niyang si Marissa La Torre Flores ang mensahe sa kinilalang Queen of Kundiman at First Lady of Philippine Television.

Aniya, “We love you Tita Sylvia. Rest in the Lord’s loving embrace.”

Naka-tag ‘yun sa kanyang kaanak, at ni-repost ito ng ilang taga-music industry at ibang manunulat.

Ayon sa kanyang apong si Ana Maria Perez de Tagle, pumanaw raw si Sylvia sa kanyang pagtulog.

Kasama ni Sylvia ang kanyang asawang si Dr. Celso Perez de Tagle at ang mga anak niyang sina Artie, Bernie at Che-Che.

Karamihan sa millennials at nasa Gen Z ay hindi na nakikilala si Sylvia La Torre.

Pero makikilala na siya sa pamamagitan ng Facebook posts ng mga taga-industriya na nagpupugay sa kanya.

Ni-repost ng journalist na si Ruben Nepales ang citation niya kay Sylvia bilang Excellence in Music Awardee of the Filipino American Symphony Orchestra (FASO) sa una nitong gala night noong Hunyo 17, 2017.

Bahagi ng mahaba niyang post, “Before there was Beyoncé, before there was Madonna, even way before Barbra Streisand… We had Sylvia La Torre.”

Inilahad niya ang classic songs na pinasikat ni Sylvia, kagaya ng Sa Kabukiran, Bituing Marikit, Waray-Waray, Mutya ng Pasig at marami pa.

Bahagi ng FB post ni direk Bibeth Orteza: “My heart is broken.

“Sylvia, fondly called Ibyang by many, was the star of the first sitcom I ever wrote, in 1975, ‘Basta Mahal Kita,’ co-starring with Luis Gonzales.

“Directed by Maning Rivera, it also featured Arnold Gamboa, Che-Che Perez de Tagle (Ib­yang’s daughter), and Sandy ‘Atcheng’ Garcia.”

Saad naman ng character actress na si Beverly Salviejo: “She influenced my singing style eversince I heard her over the radio in the 60’s...

“Her song that i first learned when i was 5 yo was Sa Kabukiran…

“Rest in peace my idol, Sylvia La Torre....”

Mga pinoy actor, napapansin na sa Amerika!

Marami ang pumuri sa pelikulang Triangle of Sadness na ipinalabas na sa ilang sinehan dito sa atin.

May status si direk Laurice Guillen sa kanyang Facebook account na ang sabi: “Triangle of Sadness - best film I have seen in years! Amazed at the director’s choices and in awe of his handling of the subject matter. Satire at its best!”

Pinag-usapan ang pelikulang ito pagkatapos magwagi ng Palm d’Or sa 75th edition ng Cannes filmfest nung Mayor.

Ang Pinay actress na si Dolly de Leon ang isa sa pinag-usapan dahil sa magaling niyang performance at ngayon ay ikinakampanya siyang makapasok sa Best Supporting Actress category sa Oscars.

Hindi gaanong nag-hit dito sa mga sinehan, pero pinanood ito ng mga taga-movie industry at magaganda ang reviews.

May ilang hindi na-gets ang pagka-satire ng pelikula, pero mas marami ang nagandahan at sana nga raw ay mapansin sa Hollywood si Dolly de Leon.

Napapansin na kasi ang Fil-Am actors sa Amerika, at tuwang-tuwa nga ang ilang kaibigan ko sa Amerika na kinikilala ang iba pang Pinoy actors doon.

Pinapanood ngayon sa Fox ang American TV series na The Cleaning Lady, at may mga Fil-Am actor na kasali rin doon.

Nasa second season na ito at may mga ilang eksena pang nagta-Tagalog ang ilang Pinoy character.

Napansin doon ang Fil-Am actress na si Martha Millan na magaling sa naturang series.

Hindi gaanong rave na rave ang reviews sa seryeng ito, pero bongga roon itong si Martha Millan na magaling sa The Cleaning Lady.

Sana tuluy-tuloy nang napapansin ang Pinoy actors sa ibang bansa, dahil marami pa sa mga artista nating magagaling talagang umarte.

SYLVIA LA TORRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with