MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay habang natutulog ang tinaguriang "Queen of Kundiman" at "First Lady of Philippine Television" na si Sylvia La Torre, pagbabahagi ng kanyang pamilya.
Ito ang ibinahagi sa publiko ng kanyang apong si Anna Maria Perez de Tagle, Biyernes. Sinasabing bandang 7:02 a.m. nang umaga nang siya'y pumanaw kahapon.
Related Stories
"RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.- First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep," sabi niya kanina.
"At the time of her death, she was with her husband, of 68 years and her children, Artie, Bernie and Che-Che."
Isang mang-aawit, nagsimula siyang pumasok sa mundo ng pelikula noong 1941 matapos niyang gumanap sa "Ang Maestra."
Sinasabing nakapag-record siya ng mahigit 300 kanta simula pa noong 1950s, kabilang na riyan ang mga folk songs na "Sa Kabukiran," "Mutya ng Pasig" at "Waray-Waray."
"Thank you for passing on your love of music to me and I will surely continue your legacy. Gone too soon but always in our hearts," dagdag pa ng kanyang apo.
"Your song has ended but your melody will linger on. Love you Mama Cita."
Taong 2017 nang parangalan si Sylvia ng Filipino American Symphony Orchestra (FASO) ng kanilang inaugural Excellence in Music Award. Ayon sa website ng Golden Globe Awards, inawit niya ang "Sa Kabikuran," na kanyang ni-record noong 1954, sa isa sa kanyang mga huling public performances.
Ilan ang nananawagan na itanghal siya bilang isang national artist, na kinikilala bilang pinakamataas na pagkilala para sa mga Pilipinong nag-ambag nang malaki sa larangan ng sining.