Korina, nagbabalak nang magretiro

Korina, Pepe, at Pilar

Mas nai-enjoy ngayon ni Korina Sanchez ang pagiging host ng magazine o talk show.

Bukod sa Rated Korina ay isa na rin si Korina sa mga host ng TikTalks na mapapanood sa TV5.

Para sa sikat na broadcast-journalist ay talagang tumatak na rin sa kanyang puso at isipan ang pagiging news anchor na kanyang ginawa sa loob ng dalawa’t kalahating dekada. “Para kasing doon ako tumatak ng dalawampu’t limang taon, sa hard news. I am really enjoying the lighter side of things because honestly, I really don’t take myself that seriously. Kasi sa news kailangan siyempre seryoso, factual. A whole organization is behind every news item. But as a person, if you take yourself that seriously, talagang life is short,” nakangiting pahayag ni Korina.

“I want to live very long kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Three years old pa lang sila (Pepe at Pilar). I have to be one hundred twenty years old kaya kailangan maraming tawanan,” dagdag pa niya.

Aminado si Korina na nagbabalak na ring magretiro mula sa pagtatrabaho sa mga susunod na taon. “I ask myself every day, these days. Pero ang paalam ko naman kasi sa pamilya ko, sa asawa ko, just give me three years to do everything that I want to do. Kasi siyempre kailangan na rin ng mga bata ng tutok. Pero feeling ko naman with the quality time that I spend with my kids, gusto ko rin makita ni Pilar later on, ‘pag nakita niya autobiography ko, lahat ng mga pinaggagawa ng nanay niya, na palagay ko ganito dapat, na hangga’t may mabibigay ka, ibigay mo,” makahulugang paglalahad ni Korina.

Dimples, ‘di inggitera

Hindi raw naghahangad ng acting award si Dimples Romana para sa pelikulang My Father, Myself na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022. Naniniwala ang aktres na hindi pamantayan sa pagiging magaling na artista ang pagkakaroon ng acting award. “Hindi ako ipinananganak na may inggit sa katawan. So hindi ako gano’n mag-isip, magka-award. Di ako gano’n magtrabaho, as in. That’s also the reason why I remained very good friends with many of my colleagues because nararamdaman nila na di ako gano’n mag-isip. Hindi ‘yon ang gauge ng success kasi. If they give it, okay. Kung wala, okay lang din. Ang importante for me, sa lahat ng mga ginagawa ko, palagi lang ibinibigay ‘yung best ko at kuntento na ako do’n,” paliwanag ni Dimples.

Kasama ng aktres sa naturang MMFF movie sina Jake Cuenca, Tiffany Grey at Sean de Guzman. Malaki ang pasasalamat ni Dimples dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magkatrabaho sa bagong pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan.  “I’m super happy. Kasi I got to work with Direk Joel and Jake again. And this time nakatrabaho ko na rin si Tiff and Sean. I love Jake. Para ko na siyang kapatid. So, it really makes me happy to see na ang dami niyamg work. Sobrang professional ni Jake. Talagang ibibigay ko sa kanya ‘yan. Sobrang taas ng respeto ko kina Jake at Sean para gawin ‘yung mga scenes sa pelikula na talagang maselan. Saludo ako sa dalawang ito. Kasi ako sa sarili ko, hindi ko ‘yon kakayaning gawin,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments