Lorin, slight lang ang pagiging independent!

Lorin Gutierrez Bektas

Alam mo, Ateng Salve, isang butihing uncle ngayon si Raymond Gutierrez sa nieces niyang sina Lorin at Venice na nasa Los Angeles, California.

Actually, more on si Venice ang alaga ngayon ni Mond dahil magkasama sila sa condominium unit nila sa Beverly Hills. Si Lorin kasi, back to school na sa Pepperdine University sa Malibu. “Lorin’s has classes na, so she’s back in Malibu,” sey ni Mond.

Yes, medyo independent life si Lorin dahil everything siya ang gumagawa sa tinitirhan niya inside Pepperdine University. Take note na medyo independent lang ang sinabi ko dahil in fairness to her, palagi pa rin siyang nagre-report sa kanyang nanay.

Kahit miles away ang distance ng mag-ina, ipinapaalam pa rin ni Lorin ang lahat-lahat kay Ruffa tulad kapag kailangan niyang lumabas ng campus. May mga pagkakataon din na si Ruffa ang nagbo-book ng Uber ride nito with her friends.

Ang sarap lang ng ganoong set-up ng mag-ina, Ateng Salve.

Naikuwento nga pala ni Mond na last weekend ay magkasama sina Lorin at Venice at nag-watch sila ng concert.

Anyway, bonding ang mag-uncle na Mond at Venice dahil magla-lunch daw sila today. “Kasama ko si Robert (William, his partner), idinaan namin kay Venice ang snacks niya and Venice went down, kaya they met na. Kung nakilala na in person ni Lorin si Robert? Not yet. Pero they talked na sa phone pa lang,” kuwento pa ni Mond.

Hindi aabutin ng Christmas sa Los Angeles si Venice at baka nga sabay na silang uuwi ng ‘Pinas ni Lorin para makasama ang nanay nila at grandparents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, plus ang iba pang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Sabi nga ni Tito Eddie nang mapag-usapan namin ang tungkol sa Christmas, sa December 24 ay sama-sama sila sa ancestral house nila sa Quezon City na aniya ay para sa mga kasama nila sa bahay, sa mga dating nagtrabaho sa kanila, na tuwing Christmas eve nga ay bumibisita sa kanila.

Si Tita Annabelle raw ang in-charge tungkol sa gifts with matching games and raffle.

So nice!

Direk Darryl pundasyon pa rin ang turing kay Direk Joel

Nagkakilala’t nagkasama na pala noon ang batikang direktor na si Joel Lamangan at ang mas baguhang direktor na si Darryl Yap.

Kuwento sa akin ni Direk Darryl, “I attended one of his masterclasses noong 2017. He told me, ‘Mahusay ka, gamitin mo sa tama’.”

Mukhang kahit sobrang iniintriga sina Direk Joel at Direk Darryl, hindi naman talaga magiging malaking away ‘yon dahil sabi nga ng huli, “Anuman ang mangyari, isa pa rin siya sa mga pundasyon ko -- sa ayaw o gusto niya -- Hahaha!”

Anyway, abala ngayon si Direk Joel sa pagpo-promote ng 2022 Metro Manila Film Festival movie entry na My Father, Myself starring Jake Cuenca, Dimples Romana at Sean de Guzman.

Si Direk Darryl naman ay abala sa shooting ng Martyr or Murderer na ayon sa kanya ay ikalawang bahagi ng pinakamatagumpay na pandaigdigang pelikulang Pilipino ng 2022.

‘Yun na!

Show comments