Magka-date ang magkasintahang Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa JulieVerse concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Newport Performing Arts Theater nung nakaraang Sabado.
Mukhang may pinaghahandaan si Kahlil para sa kaarawan ng kasintahan sa Dec.r 2. Pero nasa All-Out Sundays na sila kahapon at sinelebrayt na nila ang kaarawan ni Gabbi.
Parang Valentine’s day nga ang concert na ‘yun ng JulieVerse dahil punung-puno ng kilig at pagmamahalan.
Hindi magkamayaw ang fans nina Julie Anne at Rayver na kung saan doon na mismo nila ipinahayag ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.
Sabi ni Rayver kay Julie Anne: “Nung birthday mo, ‘di ba? Sinabi ko na sa ‘yo ang nararamdaman ko. Kasi, nandito tayo sa Newport, sa concert. Gusto ko na lang din ipadinig sa kanila, Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much.”
Halos malunod na ang sagot ni Julie Anne kay Rayver dahil sa lakas ng sigawan. Pero natahimik naman sila nang binitiwan na rin ng Limitless star ang sagot niya kay Rayver: “Hindi. Gusto ko lang sabihin na sobrang grateful ako sa ‘yo na dumating ka sa buhay ko. Ang daming nabago sa buhay ko, simula nang dumating ka. Kaya, gusto kong sabihin, I love you too.” Dumadagundong ang tili sa loob ng Newport at may nakakakuha pa ng litrato ng mommy ni Julie Anne na ngumingiti at parang kinikilig na rin.
Kaya nung oras na ‘yun ay nag-trending sa Twitter ang hashtag na #JulieVerse at #JulieAnneSanJose.
Congratulations sa JulieVer loveteam dahil napuno naman nila ang buong Newport Performing Arts Theater at napasaya nila ang mga nanood.
Ruffa, maraming natutunan sa pagiging magsasaka
Ngayong Lunes ng umaga na magsisimula sa AllTV ang M.O.Ms o Mhies On a Mission.
Parang itinadhanang magsama sa isang show ang tatlong hosts na sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto.
Tamang-tama ang timpla nilang tatlo dahil parehong madaldal sina Ruffa at Mariel, at bilang pinakabata, makikinig na lang si Ciara na may sarili rin namang opinyon. Pero pagdating sa energy, iba rin naman itong Ciara.
Pero sabi ni Ruffa, grabe rin daw ang energy ni Mariel sa pagdadaldal.
“I thought mas madaldal ako pero may nahanap ako na mas madaldal pa sa akin…si Mariel! Punung-puno ng energy!,” bulalas ni Ruffa sa nakaraang presscon ng naturang show.
“Thank God, may mas madaldal kesa sa akin. And you know, I know Mariel and I know Ciara and we have a good working relationship .
“Talagang swak kami and masaya talaga sa set. It doesn’t feel like it’s work even if pagod lahat. And you know we put in a lot of hard work and dedication and love into this project.
“And kahit pagod kami, it just feels happy. It’s a very easy set,” dagdag na pahayag ni Ruffa.
Iba ang konsepto nitong bagong morning show na ito.
May kanya-kanya silang mission na ginawa at nagkikita sila sa isang studio para pag-usapan ang mga nagawa nilang misyon.
Masayang ibinahagi ni Ruffa ang experience niya sa pagsasaka.
“Nagtanim ako ng mga halaman, nag-harvest ako ng mga fruit. Sumakay ako sa tractor. Pumunta ako sa Quiapo, nakipag-usap ako kay Nanay Rosa na pinakamalakas na palabok at sotanghon sa Quiapo.
“So for me, wow! I consider myself a bit sheltered.
“Hindi ako masyadong nakakagala so for me this is self-discovery you know na mag-farming. Ay! Naku, kailangan pala taasan ang suweldo ng mga farmers dahil nga two hours lang akong nakababad sa araw parang pagod na pagod na ako.
“Can you imagine the farmers, what they’re going through. Kaya bumili na ako ng mga fruits. Sabi ko, ‘I send fruits to all my friends to help out our local farmers.
“So it’s a learning experience for me. It’s a self-discovery and marami akong natututunan you know,” mahabang litanya ni Ruffa.
Sa presscon pa lang nila, ang saya na nilang tatlo.
Kaya inaasahan nang mas riot ang umaga nila mula Lunes hanggang Biyernes, dito sa M.O.Ms na kauna-unahang production ng AllTV.
Magsisimula ito ng alas-onse ng umaga na mapapanood sa Channel 2 sa free TV at Planet Cable, Channel 35 sa Cignal TV at Sky Cable, Channel 32 sa GSAT, Channel 23 sa Cablelink.