Ruffa at Ciara, pinagtatawanan na lang ang kanilang nakaraan kay John Lloyd!
Marami kaming ibang pinag-uusapan,” mabilis na sagot ni Ciara Sotto habang katabi si Ruffa Gutierrez sa press launching ng pagsasamahan nilang programa for the first time, ang Mhies on a Mission (M.O.Ms).
Common knowledge na may one thing in common sina Ruffa and Ciara.
Si John Lloyd Cruz.
Pero iba na ang chikahan nila “...like her current,” ani Ruffa.
“Wala talaga nakakahiya. Wala promise!,” hirit ni Ciara tungkol sa basketbolistang na-mention ang name na kausap niya sa isang party.
Pero napag-usapan n’yo ba kahit papano si John Lloyd?
“Malapit na,” sagot ulit ni Ciara.
“Wala, hindi kasi, jusko lumang kwento na ‘yun. Nauna pa ata si Ciara parang 20 years ago na ata ‘yun,” hirit ulit ni Ruffa.
“Family friend ko si ate (Ruffa). Syempre mas matimbang ‘yung family, ‘di ba,” agad namang banggit ng anak nina former Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa.
“Neighbors kami kasi talagang right behind our house is your house,” ang chika ni Ruffa.
“So lahat ng pumupunta sa bahay namin nakikita niya,” sabi naman agad ni Ciara.
“Si tita Helen laging nagpapadala ng food sa bahay ang sarap sarap talaga magluto ni tita Helen,” dugtong ni Ruffa.
Ano favorite mo sa niluluto ni tita Helen?
R: “For me ‘yung crab na may garlic.”
C: “Gusto n’yang umorder, bayaran ayaw ni Mommy pabayaran.”
R: “Sabi ko order ako kasi nakakahiya naman humingi, ‘hello tita Helen, can you cook for me again’ ‘diba parang...”
C: “She well sabi na niya...”
R: “Sabi ko dapat gawin mo ring business yan para bayaran ko. Weekly na ako mago-order ng crabs.”
C: “Ayaw niya gusto n’ya bigay na lang sa’yo.”
R: “Masarap talaga siya magluto.”
C: “So wala kaming napapag-uusapan na hindi dapat pag-usapan,” ang chikahan nila kaya ‘di na nakasingit ang mga andu’ng entertainment press at nakinig na lang.
Pero pinipilit pa rin sila?
R: “Uy alam mo promising siyang host ha.”
C: “Wow , ate, nakakahiya. Nahiya naman ako.”
R: “Yes grabe galing...kasi very spontaneous siya saka si Ciara is very well-rounded, well-travelled, well-spoken so marami na siyang nalalaman sa buhay.”
C: “Pero ang dami kong natututunan sa kanya.”
Marami na rin ba siyang alam sa lovelife?
R: “Parang masyado siyang sporty, we have to find sporty man for her,” sabi ni Ruffa tungkol sa lalaking puwede kay Ciara.
C: “Wala actually task nila ni Mariel (Rodriguez) hanapan ako so wala zero.”
C: “Ang dami kong natututunan kay ate Ruffa.”
Oh ‘di ba, para na talaga silang nag-talk show, wala pa sila sa harap ng camera nu’n.
Hahaha.
Wala pa that time si Mariel na ayon kay Ruffa ay kinabog siya sa kadaldalan.
Siyempre, ang artist na si Isabel Santos ang sinasabing karelasyon ngayon ni John Lloyd.
Actually, parang alam na kung ano ang magaganap sa kanilang morning show na mapapanood sa ALLTV umpisa bukas, Nov. 28, weekdays from 11 a.m. to 12 noon sa bagong Channel 2.
MMFF, ‘di ipalalabas sa lahat ng sinehan?!
Ah maraming sinehan pala ang hindi sumali sa Metro Manila Film Festival this year.
Ayon sa isang producer, hindi nationwide ang magaganap na festival this year.
Although mahigit 200 theaters na ang nag-participate divided by eight movies so more than 30 lang daw per film.
Actually majority lang daw ng kasali talaga ay sa Metro Manila at iilang probinsiya lang.
Umaasa ang mga producer na mas marami ang manonood ngayon ng mga pelikulang kasali sa MMFF lalo na nga at halos normal na ang lahat.
Saka sabik ang lahat sa Pasko na tatlong taong hindi naging normal ang celebration.
Tulad sa mga nakaraang MMFF, nagbunutan ang mga producer ng mga sinehan.
At malamang din, kung sino ang malakas, ‘yun ang magtatagal at ang mahihinang pelikula tsugi agad sa mga sinehan.
Hudyat ng pag-uumpisa ng taunang film fiesta ang Parade of Stars na punong-abala ang local government of Quezon City.
Mag-uumpisa ito sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue hanggang Quezon Memorial Circle ng 2 p.m. sa Dec. 21.
Seven kilometers ang babaybayin ng parada kaya inaasahang tatagal ito ng two hours and 30 minutes.
The official eight entries ng MMFF 2022 ay ang mga sumusunod : Deleter by Viva Communications, Inc.; Family Matters by Cineko Productions, Inc.; Mamasapano: Now It Can Be Told by Borracho Film Production; My Father, Myself by 3:16 Media Network and Mentorque Productions; Nanahimik ang Gabi by Rein Entertainment Productions; Partners in Crime by ABS-CBN Film Productions; Labyu with an Accent by ABS-CBN Film Productions and My Teacher by TEN17P.
Magbubukas ito sa mga sinehan sa Pasko, Dec. 25.
Magaganap naman ang The Gabi ng Parangal (Awards Night) sa Dec. 27 at the New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.
Sana nga talaga ay kumita ang walong pelikula kahit na nga hindi lahat ng mga sinehan ay nagbukas at sumali.
- Latest