TV5, may Barangay Christmas Chorale Showdown

Mas pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown kung saan magtatapatan ang pinakamagagaling na mga chorale groups mula sa mga barangay ng Maynila, Valenzuela, Quezon City, at Marikina.

Inaanyayahan ang lahat sa isang trade fair-like event kung saan tampok ang ilan sa pinakamagaling na chorale groups ng Metro Manila. Sampung grupo ang maglalaban simula Nob. 19 sa isang barangay sa Maynila, Nobyembre 20 sa Valenzuela City, Nob. 26 sa Quezon City, at Nob. 27 sa Marikina City.

Ang mga magiging hurado dito ay celebrity guests, mga opisyales ng bawat local government units, at guest judge na magbibigay ng performance at saya sa mga manonood.

Ang dalawang grupo na mananalo sa bawat siyudad ay tatanghalin bilang Top 8 at mabibigyan ng pagkakataong makasama sa Grand Finals na gaganapin sa Ayala Malls Feliz sa Dis. 17.

Ang mga papremyo dito ay P300,000 plus PBA singing appea­rance para sa 1st Prize; P150,000 naman para sa 2nd Prize; at P100,000 para sa 3rd Prize. Ang iba namang mga finalists ay makakatanggap ng P10,000 bawat grupo.

Ang Sama-Samang Tinig ng Pasko ay isa sa activities ng 2022 Christmas campaign ng TV5.

Noong 2021, nanguna ang Kapatid Network sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa pagsisimula pa lamang “Ber Months.” Ang Christmas theme ng mga festivities ngayong taon ay nakasentro sa mensahe ng TV5 na Iba’ng saya Pag Sama-Sama!

Showbiz personality, expert na sa paggawa ng pang-content sa social media

Suwerte na rin ang isang showbiz personality. Bumebenta sa social media ang mga ‘gimik’ nila.

As in pinupulot ng mga legit na website kaya naman tuwang-tuwa ang mga handler nila.

Eh expert na raw ang nasabing showbiz personality para mapansin ng netizens kaya talagang alang-alang sa content, ginagawa nila ang lahat.

Show comments