^

PSN Showbiz

Direk Joel, nakipagtalakan sa MTRCB

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel, nakipagtalakan sa MTRCB
Direk Joel Lamangan

Mahigit dalawang oras inabot ang presscon ng Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network na My Father, Myself.

Isa sa napag-usapan ay ang pagbigay ng MTRCB ng R-18 sa kanilang pelikula.

Hindi ito mapapanood sa mga SM Cinema, dahil isa sa panuntunan nila ay wala silang ipalalabas na pelikulang may ganung rating.

Nirespeto naman ito ng mga producer at ng mga artista, lalo na si direk Joel Lamangan na talagang nakipagbalitaktakan sa mga nag-review ng kanyang pelikula. Ipinaglaban niya pero tanggap niyang talo siya dahil hindi nagawang baguhin ang rating, at pinanindigan nila ang R-18 na classification.

Ani direk Joel: “Ako ay dating deputy ng MTRCB, so alam ko ang kalakaran,

“Ang bawat grupo ng tao ay iba-iba ang perception sa isang pelikula.

“Sa kanilang perception, ‘yun ay pang-adult. Sa perception ko, ‘yun ay hindi gaanong pang-adult, R-16. Magkaiba ang perception. Siyempre, ipinaglaban ko. Nagtalaktakan kaming lahat.

“Sa kahuli-hulihan, siyempre talo ako. Sila ang nanalo. Umuwi akong talo.

“Akin lang tinanggap na R-18 talaga siya. Hindi ako nakalusot sa aking pagpapaliwanag. ‘Yun naman ay healthy dahil ay kailangan talaga na tumayo ang MTRCB sa kanilang pinaniniwalaan.

“Hindi maganda ang MTRCB na hindi maintindihan kung ano ang kanilang pinaniniwalaan, sapagkat naniniwala sila na ito ay R-18, sila ang masusunod dahil sila naman ang pulis ng State. Sila talaga ang pulis ng State upang kontrolin ang lahat na napapanood ng tao. ‘Yun ay nasa Saligang Batas.

“So, wala kaming gawin kundi lunukin kung ano man ‘yung pagkatalo ko sa diskusyon. Pero hindi ako umalis na luhaan. Taas noo pa rin akong lumabas ng kuwarto.”

Sabi ng producer, nakapag-raffle na raw ng mga sinehan kung saan i-showing ang pelikula, at marami naman daw silang nakuhang sinehan, kahit wala sila sa SM.

Magsisimula ang MMFF sa Dec. 25 na kung saan doon mag-open ang walong pelikulang kalahok sa mga sinehan.

Pero sa Dec. 21 ang parada na gagawin sa Quezon City. Iikot ito sa kahabaan ng Quezon Avenue at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.

Tiniyak naman ng MMDA na sapat ang bilang ng traffic enforcers na ikakalat sa kahabaan ng Quezon Avenue para matiyak na maayos ang daloy ng mga sasakyan habang ginaganap ang makulay na parada.

Hanggang Jan. 7, 2023 ang showing ng walong pelikulang kalahok, pero sa Dec. 27 gagawin ang Gabi ng Parangal.

Sana talaga maganda ang resulta ngayong taon ng MMFF para maramdaman na nating nakabalik na sa normal ang ating movie industry.

Dimples, nagsalita tungkol kina Neil at Angel

Pasabog din ang pahayag ng mga bida ng My Father, Myself na sina Jake Cuenca at Dimples Romana.

Hindi pa rin tinantanan si Dimples ng isyu ng bestfriend niyang si Angel Locsin na hindi pa rin nagpaparamdam sa ngayon.

Nakakausap nga raw niya ang asawa ni Angel na si Neil Arce at pinagtatawanan na lang daw nila ang mga isyung naglabasan na kesyo hiwalay na raw ang mag-asawa.

Sana irespeto na lang daw muna ang pananahimik ngayon ng mag-asawa na wala sa limelight at pinili ni Angel na hindi muna magtrabaho.

Ani Dimples: “Natatawa na lang talaga ko. Kausap ko si Neil nung huli. Sabi ko, ‘Neil, ano ba yan, ano ba talaga?

“Pero alam mo, they really enjoyed their time, private time, as mag-asawa.

“Super gets ko ‘yan e. Kasi kung ako lang, can afford ako na hindi muna mag-work at hindi muna mag-social media, gagawin ko. Kaya lang ako kasi ay may mga anak na kinakailangan ko to feed for. And so, we really have to keep working. But for Neil and Gel, the priorities are themselves. They wanna spend time with one another. They wanna spend time with family… (nag-thumps up na siya)

“I was talking to Neil when I was in transit from Japan to New York.

“I think parang hindi rin nila nakita na kailangan pang mag-worry. And if there is anything naman na meron silang pinagdadaanan whatsoever, it’s not really my position to see. Kasi alam mo naman, kahit kayo din siguro, if you have friends, you’ll never be able to say.  But so far, from what I know with Neil, everything’s okay.”

Nagulat din si Dimples sa kasunod kung tanong kung totoong may balak na mag-migrate na lang sina Angel sa ibang bansa, pagkatapos natalo sa nakaraang eleksyon ang dating VP Leni Robredo.

Nabanggit daw noon ni Angel na mangibang bansa na lang siya kung hindi ang kandidatong sinusuportahan ang manalo sa nakaraang eleksyon.

Wala raw siyang narinig na ganung kuwento, sabi ni Dimples.

vuukle comment

DIREK JOEL LAMANGAN

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with