^

PSN Showbiz

Jessica Rodriguez, may mga bayarin?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Jessica Rodriguez, may mga bayarin?!
Jessica Rodriguez

Kung iisipin, nakakaawa rin naman ang atletang si David Bunevacz, ngayong makukulong siya ng labimpitong taon at anim na buwan, matapos na mahatulan ng korte sa California ng krimen dahil sa mga scam na kanyang ginawa. Matapos na mahatulan, inamin naman ni David ang lahat ng kanyang pagkakamali at aniya hindi lamang mga investor online, kundi maging kaibigan niya ay naging biktima ng kanyang mga krimen. Pero sinabi niyang ang talagang naging biktima ay ang kanyang pamilya.

Hindi na bago ‘yan sa ating pandinig. Ilang taon na rin ang nakararaan, nagbukas si David ng isang derma clinic sa Greenhills, at bongga talaga ang kanilang simula. Mukhang kumita naman iyon kahit na papaano, pero makalipas lamang ang ilang buwan, nagkaroon din ng gulo. Nagdemandahan sina David at ang mga kasosyo niya sa nasabing negos­yo. Malaking iskandalo iyon. Ang sumunod nagtungo nga sa abroad si David at doon na nanirahan, kasama niya ang kanyang asawang si Jessica Rodriguez.

Si Jessica ay lumabas din sa mga pelikula dito sa atin, at isang talent manager noong maging asawa ni David. Si Jessica ay dating asawa ng male star na si Benedict Aquino. Matagal na walang balita sa buhay nina David at Jessica sa US at ang akala nga ng mga kaibigan nila rito ay ok na sila roon. Hindi pa pala. Ngayon inaamin na ni David na nagpatuloy ang kanyang pagkakalulong sa casino, bukod pa nga sa kailangan niyang ipakita ang isang napakarangyang buhay para makumbinsi ang marami na tagumpay ang kanyang negos­yo at makakuha siya ng mas marami pang kasosyo.

Pero may hangganan talaga ang ganyan. Dumating ang panahong nabuko rin siya at walang dudang makukulong na nga. Pero papaano mabubuhay si Jessica at ang kanyang mga anak doon? Kung dito, makakagawa pa siya ng paraan dahil sa rami ng kaibigan niya, pero sa US, medyo tagilid nga si Jessica, in the first place kung ano man ang ari-arian o naipong pera ni David ay maaaring kunin ng korte para maibayad sa mga nagdemanda sa kanya.

Scammer, malalakas ang loob

Nakatanggap kami ng message mula kay “Direk Joel Lamangan” kagabi. Maaari raw bang makuha ang aming e-mail address at cell phone number para mailagay niya sa kanyang Facebook directory? Eh umaga pa lang kahapon, nalaman na naming na-hack ang FB account ni Direk Joel. Binuko namin ang nag-message na alam na naming hindi siya si Direk Joel.

Tinawag namin siyang scammer. Makapal din talaga ang mukha ng scammer, sumagot pa sa amin ng thumbs up. Huwag ninyong papatulan ang mga ganyan, dahil posibleng sa mga detalyeng ibibigay ninyo, mapakialaman nila pati ang pera ninyo sa bangko.

Iyan ang hirap sa mga bangko ngayon, lahat ng detalye ng depositor kinukuha, tapos wala namang proteksiyon sa mga ganyang scam. Kung manakaw ang pera mo, wala naman silang pananagutan. Sasabihin lang nila nag-withdraw ka, at kasalanan mo kung papaano na-withdraw ng iba ang pera mo.
Kaya nga kami ayaw namin niyang cash card, iyang credit card na ipinipilit ng mga bangko sa atin, at kung anu-ano pang online money transfer. Paalala, na-hack na ang account ni Direk Joel. Huwag na kayong pabiktima.

Actor, nagmukhang pobre sa karelasyong aktres

Kawawa rin naman ang isang male star. Noon pa siya nilalait dahil wala naman talagang angat ang kanyang career, samantalang ang girlfiend niya ay sikat. Ngayon ipinamamarali ng girlfriend niya ang marami niyang pera at properties, papaano kayang masasabayan iyon ni boyfriend na wala naman?

Dahil doon, mas nagiging pobre ang tingin sa actor dahil sa mga ibinabanderang kayamanan ng kanyang jowang aktres.

JESSICA RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with