MANILA, Philippines — Bongga painit nang painit ang mga eksena at batuhan ng linya sa top-rating GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra!
Kamakailan lang, nag-breakdown si Klay (Barbie Forteza) sa isang pagtitipon kasama sina Ibarra (Dennis Trillo) at Fidel (David Licauco) dahil sa pangmamaliit ng mga bisita sa kababaihan. Pina-realize rin ni Klay kay Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung paano nililimitahan ng mga lalaki noon ang pwedeng gawin at matutunan ng mga babae.
After ng intense scene na ‘yan, nangako si Klay na magla-lie low muna siya para makaiwas sa gulo. Pero mapanindigan niya kaya ito?
Samantala, magdaraos muli ng malaking pagtitipon si Ibarra sa tulong ni Maria Clara! Maging successful kaya ang kanilang teamwork?
Napapanood ang Maria Clara at Ibarra tuwing 8PM sa GMA Telebabad at 9:40PM sa GTV.
Nasa Iyo... panalo rin sa manonood!
Upang gunitain ang ika-25 na taon ng Puregold nilabas nila ang Nasa Iyo ang Panalo digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan meron na ito ngayong 43.1 milyon online views.
Tampok sa Nasa Iyo ang Panalo digital ad series ang mga tulad ni Justin de Dios ng SB19, TV superstar Francine Diaz, mga bagong magulang na sila Luis Manzano at Jessy Mendiola, sikat na TikTok star na si Queenay Mercado, at huwarang pole-vaulted na si EJ Obiena.
Binigyang buhay ng mga ad ang paghihirap na hinarap ng mga katauhang ito sa daan patungo sa kanya-kanyang tagumpay.
Maliban sa rami ng nanood ng bawat ad, malinaw na nagbigay ang mga ito ng inspirasyon para sa mga netizen na manonood dahil sa magagandang hugot mula sa mga nabanggit na kwento. Marami sa mga tagahanga at sumusuporta sa mga tampok na katauhan ay naghayag ng kanilang pasasalamat at malugod na suporta para sa mga kwentong tampok hindi lamang ang mga nasabing personalidad ngunit pati mga aral na magagamit sa pang araw-araw na buhay.
Naniniwala si Vincent Co, pangulo ng Puregold Price Club Inc, na mahalagang mabigyan ng sigla at pag-asa ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga ‘kwentong panalo’ gaya ng pinakita sa ad series.
“Mahirap makamit ang tagumpay kahit sa harap ng pag-hihirap at pag-pupursigi, ito ang natutunan natin matapos ang 25 taon sa business,” ani ni Vincent. “Mahalaga para sa amin na mag-salaysay ng nakakasiglang mga kwento ng mgamatagumpay na Pilipino. Sa pamamagitan nito, nais namin ipakita sa aming mga mamimili na sa harap ng hirap, may daan patungo sa tagumpay,” dagdag niya pa.