Juday inaawitang pumalit kay Charo... Mel Tiangco, malungkot sa pagtatapos ng MMK
Daming nalungkot sa kumpirmasyon na babu na sa ere ang Maalaala Mo Kaya after three decades.
Ang ibang netizen, malungkot na ‘di na raw nila mapapanood ang kanilang buhay sa programa ni Ma’am Charo Santos,.
Sana raw ituloy na lang programa.
Kung hindi pwede si Ma’am Charo, sana raw ay si Judy Ann Santos. Babagay raw ito kay Judy Ann.
Anyway, tiyak na malungkot din si Ms. Mel Tiangco sa announcement na ito ni Ma’m Charo.
Nang makausap namin siya sa 20th anniversary presscon for Magpakailanman na kumbaga ay naka-head on ng Maalaala Mo Kaya sinabi ni Madam Mel na “I’m sad, I mean I don’t like that. Kasi ano na ‘yung Maalaala Mo Kaya… classic na, kumbaga. Talaga? Nag-stop taping na sila?
“Hindi, noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin talagang walang taping kasi pandemic. Akala ko ganon. That’s really sad. I’m sad for Charo (Santos-Concio).”
Umaasa pa siya noon na hindi totoo ang nasabing kumakalat na balita, ‘di pa noon kinukumpirma ni Ma’am Charo ang pamamaalam ng MMK : “Walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It’s a class of its own, ang Maalaala Mo Kaya, ‘di ba. Talagang hindi biro ‘yung pagkanatapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya. Ah naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo matatalo ‘yan. Eh, tumapat na talagang makapal ang mukha ko... Biro lang,” game na sagot ni Ms. Mel.
Pero kung tutuusin parang ‘di rin naman mawawala ang MMK dahil patuloy itong mapapanood sa mga social media platform ng Kapamilya channel lalo na sa YouTube channel ng ABS-CBN.
Meanwhile, GMA Kapuso Foundation Ambassador and Special Adviser and renowned host, Ms. Mel, reveals the secret behind the success of Magpakailanman. “I think it is the sincerity of the show more than anything else. Each one of us, we have our own stories, challenges and personal triumphs. Nakaka-relate ang viewers namin sa mga totoong kwento at totoong tao na itinatampok sa MPK.”
- Latest